Isleen Fajardo's P. O. V I looked at my drawing of my dreamed wedding dress. Bigla namang pumasok ng kwarto si Zedrick na basa ang buhok habang naka tapis lamang ng twalya sa beywang niya. Umiwas ako ng tingin at muling napatitig sa sketch pad ko. "May problema ba? Gusto mo pa bang baguhin 'yan?" tanong ni Zedrick at naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko. "H-hindi na... Eto 'yung gusto ko, pangarap ko," bulong ko. "When will you start sewing? I mean- Isleen, buntis ka at hindi ka pwede mapagod, pwede namang ipatahi natin 'yan sa mga kaklase nating mananahi na rin ngayon," sabi ni Zedrick at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Zedrick... P-pwede bang i-post pone natin 'yung kasal? A-ang bilis kasi... Sorry Zedrick," sabi ko at hinarap siya. "Isleen," bakas ang lungkot sa bo

