Clifford Aiden's P. O. V Minulat ko ang mga mata ko. Nilibot ko ang paningin ko. Nakita ko si Dale na nakahiga sa couch. Nakita ko rin si Farja na nakaupo sa tabi ko habang ang ulo niya ay nakapatong sa tabi ng kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may simento ang kamay ko at hindi ko na iyon magalaw, kumikirot kapag sinubukan kong galawin. "Shit..." bulong ko at dumaing dahil pakiramdam ko puro pasa ang buong katawan ko. Wait-- I didn't die!? Why the f**k-- "A-aiden?" dahan-dahang inangat ni Farja ang tingin niya sa akin. "Farja... Anong ginagawa--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang yakapin niya ako. Gustong tumalon ng puso ko sa sobrang saya, yakap ko na ngayon ang taong minamahal ko. Nakakapagtaka lang, ano nga ba talagang ginagawa niya rito? Bakit hindi niya ka

