Ilang araw na ang lumipas simula ng tumira si Yuki sa penthouse ni Alexander. At sa loob ng mga araw na iyon ay abala silang dalawa sa nalalapit na launching ng bagong produkto ng kompanya ni Alexander kapag nasa opisina sila, na para bang walang nangyari sa kanila o isang kontrata ang namamagitan sa kanila at tanging propesyonal pa rin ang pakikitungo nila sa isa't isa.
Ngunit sa araw na ito ay may napansin na kakaiba si Yuki sa paligid niya. Habang naka pila silang dalawa ni Eli sa cafeteria ng kompanya ay may mga bulungang naririnig si Yuki, pero sa tuwing titingin naman siya sa direksyon kung saan nanggagaling anh bulongan ay agad namang napapatahimik ang mga taong nag-uusap-usap sa paligid niya.
Hindi na lamang ito pinansin ni Yuki dahil sa isip-isip niya ay baka guni-guni niya lamang ang lahat dahil sa pagod, at isa pa ay masyado siyang busy para pansinin ang mga karaniwan nang usap-usapan sa loob ng kompanyang pinag-tatrabahuan niya.
Nang maka-upo na si Yuki at Eli sa bakanteng upuan ay patuloy pa rin ang pagbubulong-bulungan ng mga tao sa paligid niya at pati na rin si Eli ay napansin ito.
"Ano bang meron? Bakit parang ang active naman ng mga marites ngayon?" nag-tatakhang pabulong na tanong naman ni Eli sa kaibigan niya habang pasimpleng tumitingin sa paligid nila.
"Hindi ko nga rin alam eh. Hayaan mo na, ganyan naman talaga 'yang mga 'yan pag-dating sa chismisan," saad naman ni Yuki na tinanguan na lamang ng kaibigan niya.
Matapos kumain ay inayos na ni Yuki ang kanilang mga pinag-kainan at dinala na sa lababo kung saan may dalawang tagapag-hugas ng pinggan ang nag-hihintay na matapos ang lahat kumain, at mula sa kinatatayuan niya ay narinig niya ang usapan ng mga empleyado sa isang lamesa malapit sa lababo.
"Grabe, seryoso ba 'to? Dun ba siya nakatira?" tanong ng isang babaeng empleyado sa katabi nito.
"Siguro? Dun naman siya nauwi eh" sagot namang ng katabi nito.
"Seryoso? So ibig sabihin totoo yung nasa company forum?" tanong ulit ng babae kaya napa-kunot noo naman si Yuki.
"Kaya naman pala laging magkasama, may iba na palang agenda," medyo may kalakasang pagkakasambit ng isang babaeng empleyado habang dumadaan
Ano bang pinag-uusapan nila? Nagtatakhang tanong ni Yuki sa sariling isipan nito at naisipan na rin ni Yuki na buksan na lang din ang forum na sinasabi ng mga katrabaho niya gamit ang laptop niya kaya matapos mag-hugas ng kamay at mag-sipilyo sa banyo malapit sa cafeteria ay nag-tungo na si Yuki pabalik sa opisina niya.
Ngunit bago pa man siya makaalis ay napansin niya ang mga katrabaho niya na pasulyap-sulyap ang tingin sa kanya na para bang may alam ang mga ito na hindi niya alam.
Dali-dali namang nag-lakad si Yuki papunta ng elevator.
Pagka-upo niya sa sarili niyang opisina ay agad niyang binuksan ang laptop at nag-tungo sa website ng company forum ng Estefano Corporation.
Ilang pag-scroll lang ng mouse ay nakita na ni Yuki ang pinag-uusapan ng mga katrabaho niya. Isa itong larawan na nag-papakita ng dalawang taong bumaba mula sa parehong sasakyan. Sa tabi nito ay isa pang larawan na halatang palihim lang ang pag-kakakuha pero kitang-kita ang mga mukha ng mga taong nasa larawan.
Nanlalaki ang mga mata ni Yuki habang naka-titig sa larawan niya at ni Alexander na nag-uusap at papasok sa penthouse ni Alexander. Naka-post sa company forum ng Estefano corporation ang larawang ito, kasunod na rin ng ilan pang litrato ni Yuki na nakapambahay habang may dala-dalang plastic ng basura palabas ng penthouse. Meron ding magkasama sila ni Alexander at may mga bitbit na mga groceries habang papasok ng penthouse ni Alexander.
T-Teka...ano to? Kelan nakuha 'tong mga picture na 'to? Nag-tatakang tanong ni Yuki sa kanyang isipan habang nakatitig pa rin sa screen ng laptop niya.
Alam na ba 'to ni Alexander? tanong ni Yuki sa sarili. Agad niyang isinarado ang laptop at nag-tungo sa opisina ni Alexander. Hindi na siya nag-abala pang kumatok at dali-daling nag-lakad palapit sa lamesa ni Alexander.
"Sir!" nag-papanic na sambit ni Yuki habang nag-mamadaling lumapit sa amo niya.
"What?" nag-tatakang tanong naman ni Alexander ng makita ang itsura ni Yuki na halatang hindi mapakali at para bang aligaga.
"Sir, nakita mo na ba?" tanong ni Yuki habang namumutla ang mukha nito.
"What are you talking about?" nag-tatakang tanong naman ni Alexander kaya agad lumipat si Yuki sa tabi ni Alexander at hindi na nagpa-alam dahil bigla na lamang nitong inagaw ang laptop ni Alexander at binuksan ang company forum nila tsaka pinakita kay Alexander ang mga litrato na naka-upload sa forum.
"Eto!" sabi ni Yuki habang nag-aalalang naka-tingin sa amo. Napasagitsit na lamang si Alexander ng makita ang mga litrato nila sa online company forum ng kompanya niya.
"Who the f*ck uploaded these shits?" inis na tanong ni Alexander
"Hindi ko alam! Akala ko ba private yung penthouse mo!? Bakit may ganito!?" tanong ni Yuki na napahilamos na lang ng mukha.
"Panigurado pinag-pipiyestahan na ko ng chismis nito!" nag-aalalang sambit ni Yuki dahil alam niya sa sarili niya na hindi maganda ang mga tsimis na naririnig niya mula pa kaninang umaga.
"Tsk. I'll deal with it," saad naman ni Alexander.
"Pano? Ipapabura mo? Edi mas lalong na-confirm yung mga tsimis nila," saad naman ni Yuki at natahimik naman si Alexander.
"Sir, pano na?" tanong ni Yuki sa amo.
"Let's announce our engagement," biglaang saad ni Alexander at halos batukan naman siya ni Yuki dahil sa gulat sa sinabi nito.
"ha!? announce!? at anong engagement!? eh kontra-hmmff!" agad namang tinakpan ni Alexander ang bibig ni Yuki dahil dire-diretso lang ang pagsasalita nito habang nanlalaki ang mga mata, at halos maisambit pa ang tungkol sa kontrata nilang dalawa.
"What else can we do? We'll play along with this issue. That will lessen the negative responses, right?" suwestiyon naman ni Alexander at napaisip naman kaagad si Yuki.
"Oo, sir pero akala ko ba yung kasunduan natin eh para lang sa pamilya mo 'yun?" Tanong naman ni Yuki.
"Exactly. We'll make use of this issue and the upcoming launching to announce our relationship in public. It's all an act, of course," saad naman ni Alexander at doon lamang naintindihan ni Yuki kung ano ang ibig sabihin nito.
"Ah, so that way, parehong mapapalagay ang isip ng family mo, plus mapuputol din yung issue sa loob ng kompanya? Ganun ba?" tanong ni Yuki at tumango na lamang si Alexander.
"Hmm...ayos din naman yung idea na 'yan sir," pabulong na sambit ni Yuki.
"For now, just don't say anything about the issue. Just pretend that you don't know anything about it" saad ni Alexander at bumalik na ulit sa trabaho ang pokus nito kaya napa buntong-hininga na lamang si Yuki at tumango bago nag-lakad palabas ng opisina ni Alexander.
Nang marinig ni Alexander ang pagkakasarado ng pinto ng opisina niya ay napasandal na lamang siya sa kanyang swivel chair at minasahe ang sintido nito.
"D*mn it," pabulong na sambit ni Alexander habang iniisip kung sino kaya ang kumuha ng larawan nila ni Yuki at nag-upload nito sa online forum ng kompanya nila. Wala naman sanang kaso kung sa loob lang ng opisina nila ang makakakita ng forum na 'yun dahil mas madali lang itong maiaayos ni Alexander, pero sa kasamaang-palad, ang forum na 'yun ay bukas sa publiko lalong-lalo na sa media na laging naka-bantay sa mga iaanunsyo ng kompanya nila bilang isa sa mga leading company sa bansa.
At sa ngayon iisa lang ang alam ni Alexander, kailangan niyang ayusin ito sa lalong madaling panahon dahil kung hahayaan niya lang ito ay baka mag-dulot ito ng negatibo kay Yuki at maisipan ng dalaga na umalis sa kompanya niya, o mas malala pa ay umalis bilang asawa niya.
Pinulot ni Alexander ang cellphone niyang naka-patong sa ibabaw ng lamesa at tinawagan ang abogado niya na malapit niya ring kaibigan.
"..Yes, I need you to clean up the media. I'm not sure if any of them have seen the online post already or not, but just to be sure, control the media and don't let this s**t spread anymore," utos ni Alexander sa taong kausap sa cellphone.
"Yes, Mr. Estefano," sagot naman ng abogado. Ibinaba na rin ni Alexander ang tawag at napatayo na lamang para kumuha ng Isang baso ng whiskey para ikalma ang kanyang isipan.
Matapos maubos ang isang baso ng whiskey ay pinilit na ni Alexander na magpatuloy sa kanyang mga dokumento.