“MAPAPANIWALA ba natin sila ng ganito?” mahinang sabi ni Coffee kay Yuuji. Magkalapat ang mga pisngi nito at kunwa’y hawak ng dalawang kamay nito ang mukha niya, kaya marahil sa tingin ng makakakita sa kanila at mukhang naghahalikan sila. Nakapulupot din ang mga braso niya sa batok nito at manaka nakang ginagalaw nito ang ulo nito. “Oo yan,” ganting bulong ni Yuuji. Ipiangpatuloy nila ang performance nila hanggang sa marinig nilang lumayo na ang mga hakbang. Pasimple siyang sumilip sa sahig na naipagpasalamat niyang makintab na halos makikita na ang mga naglalakad. Nakahinga siya ng maluwag nang wala na siyang matanaw na anino. “Wala na yata sila Yuuji,” aniya rito. Kumalas naman ito sa kanya at sumilip. “Wala na nga,” nakangiting sabi nito. Napangiti na rin siya. “Thank you Yuuji the

