AVERY’s POV PAGPASOK nina Sir Caelan at Sir Blythe, parang nag-shift ang temperatura sa tearoom. Parang gusto ko na lang kumaripas ng takbo. Kapag ng sama ang dalawang walang mangyayari maganda kundi puro bangasay at parang riot lagi ang usapan. Akala mo may paligsahan. Si Caelan, parang umaraw bigla dahil ang warm ng mood niya. Si Blythe, parang lumindol silently at naramdaman mo sa sahig dahil ang bigat ng bawat hakbang niya. Parang lagi susugod ng suntukan. “Avery,” bati ni Caelan, sabay lapit at upo sa tabi ko. Hindi harap. Hindi tabi-tabi lang. TABI MISMO. As in shoulder-to-shoulder range. Sa laki ng tearoom at mahahaba ang sofa at ang napili niya ay sa tabi ko. “Do you mind if I sit here?” tanong n'yang nakangiti. Parang nang-aakit ang boses niya. Arggh! Sino ba namang hindi magk

