Mula sa labas ng opisina ni fhyross kung nasaan sila ni Johnson. Dinig nila ang malakas na sigawan ng mag ama sa loob. Hindi nya magawang pumasok. Sya ang topic ng dalawa maging ang pang hahamak at pang babastos ng ina nya kay fhyross. “Ang tapang mo na kalabanin kami nagagawa mong humarap sa mga kapatid mo pero sa pamilya ng lalaking yun di mo man lang magawang ipag tanggol ang sarili mo. Umarte ka na parang ikaw pa ang kabit.” “Umiiwas lang ako sa gulo pa! away namin to ni Lucas at hindi damay dito ang pamilya o kahit pamilya ko kaya wag nyo kaming pakialaman.” “Wag pakialaman. Paano ako di makikialam harap harapan kong nakikita na binabastos ka ng ibang tao tas wala kang ginagawa. Nag pabuntis ka na nga sa gagong yun hinayaan mo pang hiyain ka ng pangit nyang nanay.” “Tama na ano ba

