After nilang mag dinner ng sabay sabay excited na binuksan ng mga bata ang mga regalo ng mga ito na nasa ilalim ng christmas tree. Kasama nila sa pag cecelebrate ng christmas ang magulang ni Lucas. Bagamat humingi na ito ng pasensya sa kanya dati araw araw parin itong humihingi ng patawad sa naging asal nito sa kanya noon una na agad naman nyang pinatawad. “Daddy it’s for you.” sigaw ni Damon na tumakbo sa ama at inabot ang isang maliit na box. Natawa naman si Lucas na napatingin kay Fhyross na nag kibit balikat lang galing rito ang regalo. “I think it’s a brand new car.” wika ng papa nya. “I doubt it. Maybe a key for a new house.” hula naman ng Mama nito. “Open it hijo ng makita nanatin kung anong regalo sayo nitong babaeng ito.” wika naman mommy nya. Isa isa naman inabot ni Fhyross s

