Nakatulala lang si Lucas habang nakatingin sa kabaong na unti unting bumababa sa isang malalim na hukay kasabay ang mga puting bulaklak na inihahagis ng mga taong nag mamahal rito. Hindi nya alam kung tunay na luha ba ang lumalabas sa mga mata ng taong naroon basta ang utak nya ay punong puno ng masasayang alala nila ni Fhyross ayaw nyang mag isip ng iba. “Lucas tayo na.” naramdaman nya ang pag hawak sa balikat nya ng ina ni Fhyross. “Daddy si Mommy where is she?” huminga ng malalim si Lucas na lumuhod sa harapan ng mga anak nya na pareparehas nakatingala sa kanya. “She’s resting sa ngayon okay lang ba na si Daddy muna ang mag babantay sa inyo.” “Daddy! Kasalanan ko po ba kaya nasaktan si mommy?” hikbi ni Damon. “Of course not Damon.” mabilis na sagot ni Lucas. “Sana di nalang ako si

