"Salamat sa pag hatid." Walang ganang pagpapasalamat nito. Hinawakan ko ang mga balikat niya at tinitigan sa siya mga mga mata Pilit akong ngumiti sa kanya at nag make face, pilit kong pinalaki ang mata ko at ng butas ng ilong ko. Tinigil ko lang ito ng marinig ko siyang humalakhak at tinakpan ang muka ko gamit ang kamay niya. "Ang pangit mo Scott!" Tinanggal ko ang kamay niya at tinitigan siya. "Alam mo mas maganda ka pag laging nakangiti." Napasimangot naman ito sa sinabi ko "So pangit ako pag nakasimangot ganon?" Mabilis na pag iling ang ginawa ko. "Hindi ah! Kahit nga nakanganga ka matulog at tulo laway maganda ka pa din." Humalakhak ako ng bigla akong hinampas nito. "Kapal mo hindi kaya tulo laway ko!" Pag mamaktol nito. "Okay sabi mo eh." Nang aasar na sabi ko sa kanya, mag

