Chapter 09:
Makulit;
Jane's point of View:
Nasa harap ko ngayon—este buong school year pala si Ron at sa Likod ko naman si Ethan.
Sa hindi malamang dahilan ay naiinis ako sa kausap ni Ethan.
'hindi ko rin alam kung bakit'
Pero baka naiinggit lang ako kasi—Ah basta nevermind.
*Click*
wala akong pakialam sa kanilang dalawa Kahit na maglandian pa sila sa harap ko. psh. The hell I care. Pake ko ba sa kanila? Oo tama! Wala akong pakealam kung kumerengkeng pa sila sa harap ko. tsk.
"Huy! Jane kanina kana tulala ha?"Tanong ni ron na ikinaharap ko sa kanya. Haysh. Hindi ko man lang napansin na kanina pa pala ako natulala.
"Ah eh…hehehe sorry"Saad ko saka ngumiti at nag peace sign.
"May ipapakita ako sayo."sabi niya at parang may kinukuha siya sa bulsa niya. Napakunot naman ang noo ko dahil dun.
"tingin."Tanging sambit ko lang habang hinihintay ang ipapakita niya.
Inilabas niya ang phone niya saka kinalikot.
"Ito oh"sabi niya sabay pakita ng—
"Waahh! Ron, E-delete mo yan!"Sigaw ko saka nagpadyak padyak kahit nakaupo ako.
Napatingin samin ang mga kaklase ko pero hindi ko ito pinansin.
Urgh! Ipinakita lang naman niya sakin ang pic ko na nakanganga at halata talagang wala sa wisyo.
"Bakit? cute ka naman dito eh hahaha."sabi ni ron kaya sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang ito.
"Ron, sige na parang awa mo na! huhu."Nakanguso kong saad sa kanya.
"Ayoko remembrance mo nalang sa akin to heheheh."saad niya saka nilalayo sa'kin ang phone niya.
"Eiii! Eh ang tagal pa kaya ng End of school year tapos remembrance agad?"Pagmamaktol ko.
"Bleehh! "sabi niya saka binelatan ako. Sarap tirisin ng lalaking 'to eh huhuhu.
"Naman eh! Sige na ron delete mo na please."sabi ko at nag puppy-eyes. Malay mo kumagat hehehe.
"Sige ganito nalang… d-delete ko to pero magpapicture tayo."sabi niya saka tinaas baba ang makakapal niyang kilay.
"Deal!"sabi ko. Syempre, ayoko naman na may picture ako sa kanya na patang nasa mars pa ako sa sobrang lutang.
"Sige naaa! Delete mo na hehe."sabi ko. Ba't ba? Eh sa hindi ako makapaghintay eh hehe.
"Wait lang Ang kulit mo rin eh no?"sabi niya pero tinawanan ko lang.
"Hehehe excited lang ako na ma delete mo 'yan."sabi ko.
"Pose ka na."sabi niya saka nag selfie.
"Oh eto na nga." Saad ko saka ngumiti at nag peace sign.
*Click*
Magse-selfie sa kami ulit pero hindi natuloy dahil may sumipa lang naman sa upuan ko kaya nauntog ang ulo ko sa phone ni Ron kaya nahulig ito.
"s**t!Ano ba naman yan!"reklamo ni ron saka pinulot ang phone niya at sinamaan ng tingin si Ethan.
Hinarap ko naman ang mokong saka tinaasan ng kilay.
"Nanadya kaba ha?"Naiinis na saad ko. Tsk.
"Ano bang pinagsasabi mo jan? psh."sabi niya
"Hoy—"may sasabihin sana si ron pero pinigilan ko na. Baka makapagbugbugan sila. Wala pa naman akong dalang pera dito pampusta kung sino mananalo hehehe.
"Wag mo na lang patulan yan, ron. Masasayang lang ang laway mo."sabi ko saka ngumisi kay ethan.
"Psh!"rinig kong sabi ni ethan.
Atsaka. Ba't ba siya nagagalit? Wag niyang sasabihin na nagseselos siya? Pffft!
'Siya magseselos?! Eh hindi naman ako gusto niyan eh.'
Teka! Bakit oarang dissapointed ako? Tsk, bahala siya diyan. Bakit hindi nalang niya ituloy ang naudlot niyang pakipaglandian sa iba eh 'noh?
Ethan's pov:
Naiinis ako kay jane. Hindi ko alam pero parang…parang ayokong may kaagaw ako sa atensyon sa kanya. Gusto ko ako lang ang tinutuunan niya ng atensyon. Gusto ko sa akin lang siya tumitingin, Gusto ko sa akin lang siya ngumingit—Arrrgh! What on earth is happening to me?
Nang makita ko nga na Masaya siya sa letsugas na Ron na 'yan ay hindi ko napigilan ang sarili ko kaya nasipa ko ang upuan niya.
Sana nabasag ang phone niya tapos sira yung memory card pata wala na silang picture ni Jane.
Candy's pov:
Even though stephen is kinda snob to others. I like him. Hindi ko siya crush ha? Pero medyo ahihihi.
Masayang kausap si stephen kaya medyo magaan ang loob ko sa kanya.
Pero naiinis ako kay nathan. Kasi… He's acting like know my pain! He's Acting like he owns it! Charot hehe ^___^
Pero totoo! Naiinis talaga ako kay nathan sa hindi ko malaman na dahilan. Lalo na yang tawa niya kapag kausap niya 'yang babaita na yan. tsk.
"Hoy pangit!" Nagulat ako kay stephen pero kalaunan ay tinarayan ko na rin ito.
"What? Over my Dead sexy gorgeous super ultra mega body! I'm not pangit." Aniko with my conyo style. Eh sa gusto ko lang naman sila inisin sa pagiging conyo ko eh. Atsaka part na ata ito ng pananalita ko hehehe.
"Nagbibiro lang ako."Aniya saka tumawa.
"Ha-Ha-Ha. I know naman eh. Kasi it's not maka-totohanan that I am not maganda."Nakangiti kong saad sa kanya. I know to myself naman na I am so pretty. ahe ahe.
"Hahaha! Pero teka, kanina kana tulala? may iniisip kaba?" Tanong nito.
Yep! Iniisip ko kung paano ko papatayin ang taong madaldal katulad mo—charot.
"I want to make sabunot kasi hehe."Sabi ko saka pasimpleng tinignan ang babaeng kausap ni Nath.
"Gusto mo ba siya?"Seryoso niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.
"Ha? The who isdat?"
"'yang lalake."aniya saka nginuso si nath.
"Yuck ka nga. Kaderder ka." Aniko saka pakunwaring sumusuka suka pa.
"Hays! ayaw pang aminin"sabi niya sabay irap. Dukutin ko eyeballs niya eh. Charing.
"You are so makulit stephen haha. I dont like him naman eh."sabi ko.
"Umamin kana kasi."Pangungulit niya.
Like duh! Ano ba ang aaminin ko kung wala rin naman akong dapat na aminin?
'wala ba?'
tsk. Wala nga kasi. Ano ba naman yan.
"Wala nga! One more and I'll make kurot your nose na!"Naiinis konh saad.
"Wag! Bakit ilong ko pa? Pwede naman sa tagiliran. Baka masira pa ang kagwapuhan ko niyan. Sige ka! Pag masira ang mukha ko, wala ng gwapo sa mundo"He said confidently. Grabe naman this boy. Super duper hangin naman ditey.
"Ha-Ha-Ha! isdat a joke? Because it's so nakakatawa talaga."Sarkastik kong saad saka tumawa pa ng peke.
"Grabeh ka naman sa akin."sabi niya sabay nguso.
"Hahaha. Ofcourse. Wait lang, I have an advice sayo!"Nakangiti kong saad.
"Ano yun?"Tanong naman niya.
"Nakaka-dead ang paglunok ng aircon. Nakaka stage 4 ang kahanginan."sabi ko saka humagalpak ng tawa na ikinasimangot niya.
"Hmmp! grabe ka sa akin candy!"sabi niya. He acts like babae.
"Just kidding lang naman pero you can make it seryoso naman hihihi."Pang-iinis ko pa sakanya na mas lalo niya ikinasimangot.
"Tapos na ba kayo makipaglandian?"Napakunot ang noo ko ng marinig ang sinabi ni nathan. Napaharap naman ako sa kanya na nakatingin sa akin.
So she's talking with me, huh?
Ouch lang ha. So parang sinabi niya na malandi aketch? Gosh.
"Pwede naman na hinaan ang boses niyo diba? Nakakairita kasi."Malamig niyabg saad.
'Why he is so cold like that?'
"What is your problem ba?"Naiinis kong saad.
"Tsk!"
"Nathan!"Naiinis kong saad. Hindi ba naman ako pinansin? Tsk.
"What?"iritang tanong niya.
"I said what is your problem ba to me?"Naiirita kong tanong na mas lalong nadagdagan dahil sa sagot niya.
"Wala"
"Tsk, Kung makapagsabi ng 'Tapos na ba kayong makipaglandian' eh siya naman itong nakikipaglandian ah!"bulong ko pero sinigurado ko naman na rinig niya.
Ginaya ko talaga ang the way na pag-sabi niya ng Tapos na ba kayong makipag landian?
Nakakatanginis kasi eh. Sabihan ba naman ako na nakikipaglandian huh? Eh sino bang di maiinis don? Tsk.
Tapos ang cold niya pa. Well, Kung cold siya? Mas naman ako!
Nathan's pov:
Nainis talaga ako dun sa stephen nayun. Akala mo kung sino, Nakikipaglandian pa kay candy tsk.
Inaagaw niya pa sa'kin ang candy ko.
'Teka. What the hell is Candy ko?'
'Damn it! Kung makaasta ako parang pagmamay ari ko si candy ah?'
Argh! Ano bang ginawa mo sa isipan ko candy at ginugulo mo naman? Nakakainis ka talagang conyong candy ka!