~Zaina Jhin~ “Apo ano bang nangyayari sayo?” mahinahon ngunit dismayadong tanong sa akin ni inang. “Inang pasensya na po, nakalimutan ko lang po talaga,” sagot ko. Pinapagalitan ako ni inang dahil umuwe ako na hindi ko dala ang bag ko.Naiwan ko ito sa sasakyan ni Mam Sheena.Mula kase nung sinusundo na si mam ay lagi na kaming sumasabay sa kanila pauwe. “Nakalimutan, bakit ang sabi ng tito tatay mo ay nakita ka daw niyang nagmamadaling tumakbo kasama si Jaycee pagbaba niyo ng sasakyan ni mam.Tinatawag ka daw para sa bag mo hindi mo naririnig,” bigla akong kinabahan dahil nakita pala kami ni tito tatay ibig sabihin ay nakita niya rin ang ginawa ko. “Nakita ka din daw na doon dumaan sa dulo ng taniman ng pinsan ng tatang mo.Bakit ka doon dumaan, sinisilip mo ang tatay mo sa kubo?”tanong

