KABANATA XVII

1848 Words

~Zaina Jhin~ Ilang araw na din ang nakalipas simula ng magkagulo kami noong araw ng pasko. Hanggang ngayon ay masama parin ag loob ko dahil sa ginawa ng tatay ko. Wala pa rin akong balita sa pamilya kong naiwan sa Maynila. Araw araw ay iniisip ko kung kamusta na ba sila doon at araw araw din ay hindi ko maiwasan ang maluha. May mga pagkakataon pang sumasakit na ang ulo ko kakaisip. “Apo, halika pumasok ka sa loob madali ka,” tawag sa akin ni inang bagay na pinagtaka ko. “Bakit po inang?” takang tanong ko habang nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. “Inang, nakikiusap po ako hayaan nyo naman hong makausap ko ang anak ko.” Nagulat ako ng mula sa labas ng bakuran naming ay marinig ko ang boses ng aking ama. Kaya pala nagmamadali si inang na papasukin ako dahil paparating ang aking ama.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD