Chapter 7: "Unseal"

1364 Words
After seven years %Daiana's POV% Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa Arena kung saan gaganapin ang paligsahan naming lahat. Lahat ng amazona laban sa akin. Pitong taon na ang lumipas simula ng pumayag ang inang reyna sa aking pagsasanay sa pakikipag laban, pitong taon na rin akong nag iinsayo, kasama ang mga magigiting na amazona sa aming kasaysayan. Kasama kong naglalakad ang ilang Amazonang nagbabantay sa akin simula noong bata pa ako. Tahimik lang kami at walang naglakas ng loob na sumira sa katahimikang namamagitan sa aming lahat. Hanggang sa makarating kami sa aming paruruonan. Nasa itaas na bahagi ng training ground ang Inang Reyna kasama ang limang heneral. Sa bawat sulok naman ng Arena naka tayo ang mga magigiting na Amazona na dapat kong matalo. Hindi narin ako nag-aksaya ng oras at pinulot ang espada, lubid, kalasag at panang nasa harapan ko bago pumwesto sa gitna ng Arena. Nang makapwesto na ako nagbigay ng hudyat ang reyna na simulan na ang laban. Agad namang tumakbo ang isang amazonang nasa harapang bahagi papalapit sa akin, kasabay ng pagbato naman ng isang amazona ng dagger sa likoran ko. Tumalon ako ng mataas at umikot sa ere upang hindi ako matamaan ng papalapit na dagger, sakto namang pag-ikot ko ay ang pagdaan nito malapit sa aking mukha. Agad ko naman hinanda ang aking sarili sa pagbagsak sa lupa, at saktong paglapag ko sa lupa ay ang pagwasiwas ng amazona sa kanyang espada sa aking harapan, agad ko naman itong hinarangan gamit ang kalasag na nasa aking kaliwang kamay. Pagkatapos ay sinipa siya ng malakas sa t'yan saka sa kanyang paa, dahilan upang sya'y mawalan sya ng balanse. Sinangga ko naman ang mga palaso na papalapit sa akin mula sa kanang bahagi gamit ang kalasag na ngayo'y hawak-hawak ko, pagkatapos ay hinampas ko sa ulo yaong amazona na nakatayo na, gamit ang kalasag na aking hawak dahilan upang mawalan ito ng malay. Tumalon na naman ako ng mataas at umikot muli sa ere upang maiwasan ang mga palaso na papalapit sa kinatatayoan ko, saktong pagtalon ko ay ang pagtarak ng mga palaso sa aking kinaroroonan. Hinanap ko ang pinanggalingan ng mga palaso, kaliwa't kanan, ngunit wala akong makita hindi ko alam kong saan ang mga ito nanggaling. Hanggang sa may lumipad na namang palaso papalapit sa akin mula sa likoran, sinangga ko ulit ito gamit ang kalasag na hawak at patakbong pinuntahan ang pinang galingan ng mga ito, ng makalapit na ako ay hinampas ko sa ulo yaong amazonang may hawak ng bow dahilan para mawalan ito ng malay. Hindi pa man ako lubusang nakatayo ay may paparating na namang tatlong palaso mula sa aking likuran kaya napagulong ako pakanan at hinagis ng malakas ang hawak kong kalasag sa tatlong amazonang naghahandang itirang muli sa akin ang kanilang hawak na palaso. Bago pa man nila ito mabitawan ay natamaan na silang tatlo sa sikmura dahilan upang mamilipit sila sa sakit. Tumakbo papalapit sa akin ang isang amazonang may hawak na espada at iwinasiwas ito sa akin. Tinumbasan ko lang ito ayon sa lakas ng paghampas nya. Nang makakita ako ng tyempo ay sinipa ko sya ng malakas sa sikmura bago sa kanyang kamay na may hawak na espada para tumilapon ito at tsaka sinuntok ng malakas sa kanyang mukha at inilagay sa kanyang leeg ang hawak kong espada. Tumingin ulit ako sa inang reyna na pround na napatango sa akin, kaya napangiti ako, subalit hindi ko inasahan ang malakas na hampas sa espadang hawak ko. Dahil sa lakas ng paghampas ay nag vibrate ito at muntikan ko na itong mabitawan, medjo nawalan din ako ng lakas sa kamay dahil sa impact nito. Nilingon ko ang humampas sa akin, pero ng akmang lilingon na sana ako ay saktong tumama sa mukha ko ang malakas na hampas ng hawakan ng axe. Medjo nag bell yung tenga ko dahil sa lakas ng impact at sumarasay, dahil na rin sa literal na umiikot ang paningin ko. Pinikit ko ang aking mga mata at hinawakan ang parte ng aking bungong natamaan ng malakas na hampas at pinatatag ang muntikan ng mawalang kamalayan ko. Naramdaman ko ang muling pagsugod ng humampas sa akin, kaya inalerto ko ang akin sarili. Sinangga ko ang hawak nyang axe gamit ang hawak kong espada, tsaka inikot ko ito sabay sipa sa tagiliran nya. Nang medjo mawalan sya ng lakas ay malakas kong iginiya ang hawak nyang axe pababa sa lupa at pinatid ito ng malakas, upang mabitawan nya ito. bago ko iniumang sa kanyang leeg ang hawak kong espada. Napatingin naman akong muli sa reyna at ganun parin ang kanyang reaksyon. Lumapit naman sa akin ang general, ng medjo malapit lapit na sya ay sumugod ako sa kanya. Iwinasiwas ko ang hawak kong espada sa kanya ng buong lakas ngunit tinumbasan nya lang ito ng hindi nahihirapan. Umikot sya at sinipa ako sa sikmura ng napakalakas, dahilan upang lumayo ako ng ilang hakbang sa kanya. "Harder!... you are stronger than this Daiana... again!"- usal ng general sa akin. Tumayo ako at muling umatake sa kanya, buong lakas kong pinaghahampas sa kanya ang hawak kong espada. Hanggang sa medjo nahihirapan sya dahil sa lakas ng paghampas ko. Umikot ako para mablock yung paa nya, ngunit naiwasan nya ang ginawa ko. Muli akong sumugod at pinaghahampas ko uli sya ng malakas, ng makita kong medjo nawalan sya ng lakas sa kamay ay pinatid ko ito dahilan para tumilapon ang hawak nyang espada, bago ko sya pinatid ng malakas sa sikmura, dahil sa lakas nito ay napaupo sya bago ko iniumang sa harapan nya ang hawak kong espada. Muli akong tumingin sa inang reyna pero walang expression akong nakita. Nagtataka ako kung bakit pero naramdaman ko ang malakas na pagtulak sa akin, dahilan upang akoy mapaupo ng malakas at nabitawan ang hawak kong espada. Kunot noo akong napatingin sa taong tumulak sa akin. Nakatayo na ang general sa aking harapan at hawak nya ang espadang hawak ko kani-kanina lang. "Never let you guard down"- galit nyang sigaw sa akin sabay hampas sa hawak nyang espada, wala akong kahit anong panangga kaya ginamit ko nalang itong metal na nakalagay sa braso ko, dahil sa lakas ng paghampas ng general ay nag create ito ng mga ignite. "You expect the battle will be fair "- dagdag nya sa kanyang mga sinasabi habang patuloy na hinahampas sa akin ang espada. " a battle will never be fair "- napansin ko ang paghugot nya ng lakas, kaya hinanda ko ang aking sarili at ang dalawang braso upang sanggain ito. Pinag cross ko sa aking harapan ang akin dalawang braso para sanggain ang malakas na paghampas. Ngunit sa hindi ko inasahang pangyayari ay may pulang liwanag ang lumabas mula dito. Napalaki ang aking mga mata dahil napansin ko ito. Hanggang sa sumabog ito ng napakalakas na enerhiya na hindi ko alam kong anong tawag dito, dahil sa pagsabog ng enerhiya ay natamaan ang general at ito'y naging dahilan para tumilapon sya ng sampong metro. "Magayon!"- sigaw ng isang amazonang tumatakbo papalapit sa general, ng makalapit na ito ay sinuri nya ang kalagayan ng general na pilit tumatayo at namimilipit sa sakit ng katawan "lay still... you are bleeding." Napatayo ako mula sa pagkakaupo, at akmang lalapitan ang heneral. "wait!... Daiana wait!.." sigaw ng genaral "I'm sorry" - sabi ko sa kanya at umatras muli. Napatingin naman ako muli sa mga amazonang nakapalibot sa akin, lahat sila seryosong nakatingin sa akin . Yung iba napatango na para bang may na kompermang tamang hinala. "I'm sorry"- sabi ko tsaka umalis _______ %Third Person's POV% "What I have done"- Lugmok na sabi ng reyna sa kanyang sarili habang nakatingin sa kanyang anak na tumatakbo pa alis ng arena na hindi makapaniwala sa kanyang nagawa. Ang general naman na si Magayon ay nananatili paring nakahiga sa lupa, dahil sa panghihina at pinsalang natamo. Lumapit naman ang punong babaylan at nilapatan ng lunas ang mga sugat ng general. Umalis ang reyna sa kanyang kinaroroonan sakay ang kanyang puting kabayo. ___________ A/N: sorry sa matagal na update sana magustohan nyo ang bahaging ito. please vote and comments para naman mas lalo akong gaganahan sa pagsusulat. i need inspiration guys *^_^* thank you...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD