THIRD PERSON'S POV: Nakatukod ang mga nakakuyom na kamao ni Gael sa lamesa habang nagtatangis na nakayuko at pinagmamasdan ang hubad nilang mga larawan ni Ada. Kaharap niya ang estudyante niyang si Piena at isang lalaking taga-labas ng University na binayaran nito para kumuha ng mga litratong ito. Umigting ang panga niyang nasuntok ang lamesa na ikinapitlag nila sa takot at kita ang mga pangangatog habang si Manuel naman na ama ni Gael ay nakatayo lang sa gilid niya at kinuha nito ang isang litrato at ipinakita kay Piena. "Ms Ramirez, do you know that taking or capturing someone's private body without their consent is illegal? We can file a case against you at ang mas malala pa, pwede kita pagtalsikin sa sarili kong eskwelahan at sisiguraduhin ko wala na ni isang unibersidad ang tata

