"Where's Angie?" Hindi naitago ni Ara ang pagtataka nang pumasok siya sa restaurant na hindi kasama ang kanyang kasintahan. At a moment, gusto niya itong barahin for asking that. Hindi ba't nais nitong 'wag nang sumama pa sa kanila si Angie? Tapos hahanapin naman nito kapag wala. Pero nang tingnan niya ang dalaga, wala namang bahid ng sarkasmo ang tinig nito maging ang mga mata nito. Marahil ay nagtataka lang talaga ito. "She already left," tugon na lamang niya bago tumabi ng upo rito. Sa tapat nila ay ang mama niya at isang babaeng tingin niya ay ang kakausapin nila para sa engagement photoshoot. "Pero isinama ko siya sa order ng lunch natin," sabi ni Ara na bahagya mang nakakunot-noo ay nasa mukha naman ang labis na pagtataka at panghihinayang. He noticed na lima nga ang upuan

