Family dinner iyon pero daig pa ni Ara ang makikipag-date for the first time dahil sa kaba na nararamdaman niya. Bakit ba gano’n na lang ang epekto ni Carlos sa kanya? Mula nang mabasa niya ang sulat nito kanina, tuloy-tuloy na ang parang nagkakarerang bilis ng pulso niya. Ang hirap na nga huminga. “Why aren’t you ready yet, Lance?” Aniya sa kaibigan na wala atang planong sumama. “Am I supposed to come? It’s a family dinner, Ara,” tugon ni Lance. “Sumama ka. You have to be there for me.” Tiningnan siya ni Lance nang makahulugan. Tapos umiling ito. “Sorry to disappoint you, lady. Pero team Carlos ako. And I already told him that I support him. ‘Wag mo nang ituloy iyang iniisip mo.” Tikwas ang kilay na humalukipkip siya. Wala pa nga siyang sinasabi, nahulaan na nito ang plano niya

