"I hate Ara," deklara ni Angie. Naglalagay siya ng nga damit sa kanyang bag habang nakadapa naman ito sa kama at pinapanood siya sa kanyang ginagawa. "Why? Do you want to come with me?" Tanong niya. "Nagbago na ba ang isip mo?" Angie pouted. Inirapan pa siya nito pero hindi naman sinagot ang tanong niya. "You shouldn't have agreed kung hindi ka komportable," iniwan niya ang ginagawa at tinabihan ito nang maupo ito sa ibabaw ng kama. "Are you blaming me?" Umiwas ito sa paghalik niya. "No. What I'm saying is," aniyang hinuli ang mga kamay nito. "Hindi ka dapat pumayag na masolo ako ng iba. It kind of hurt me, you know." "Ang OA mo." Napangiti si Angie. "I know that you love me, Carlos. Isa pa, napag-isip-isip ko na nagmumukha lang akong insecure sa ginagawa kong pagsama-sama sa'y

