Chapter 6

1207 Words
Hindi man pumayag si Carlos, it didn't change the fact that he was getting engaged with Arabella soon. Pwede naman siyang sumuway. Pero may magiging kapalit iyon kung sakali. First off, ang malaking business ng kanyang pamilya sa London ay hindi pa ganap na naipapasa sa kanya. Kahit siya na ang CEO, his Dad remained as the Chairman. Kapag hindi niya pinakasalan si Ara, aalisin siya sa kanyang posisyon at ibibigay lahat sa kanyang kapatid ang kanyang shares. Okay lang sana. Alam niyang kaya niyang mag-umpisa ulit. But it would surely take time bago niya mapalaki iyon. Bukod doon ay napakalaki na ng sakripisyo niya sa kanilang negosyo. Hindi birong resources at panahon ang ginugol na niya sa kompanya. Abandoning it would feel like a breakup. Perhaps, even more painful. Lalo na dahil sanay na siya sa extravagant lifestyle na kasama no'n. Alam niyang pati si Angie ay mahihirapan kapag nakipagmatigasan siya sa kanyang pamilya. Isa lang kasi ang ibig sabihin kapag tumanggi siya sa kasal, itatakwil siya ng kanyang pamilya. OA pero gano'n kaseryoso ang mga ito na ituloy ang kasunduan. Kaya ba ni Angie na samahan siya sa hirap? At sakali mang pumayag ito, maaatim ba ng puso niyang makita itong mahirapan? There's got to be another way around. Something that's going to be a win-win situation. "Gising ka pa, babe?" Naalimpungatan si Angie nang sa pag-ikot nito para yumakap sa kanya ay sa bakanteng side niya ng kama dumapo ang braso nito. Nakaupo kasi siya paanan at nag-iisip. "Yeah, I'm just thinking about something," tugon niya. "Something," nakangusong bumangon ito at yumakap mula sa likod niya. "Sure ka, ha? Baka mamaya someone 'yan." Humalik sa leeg niya ang kasintahan. "Silly." Hinila niya ito pakandong sa kanya. "Sino namang someone ang iisipin ko, eh 'andito ka't kasama ko?" Malambing niyang tanong na hinalikan ang nakanguso pa rin nitong mga labi. "Hmp." Umirap si Angie. "Siguraduhin mo lang." "I'm just thinking about what to do. I can't imagine myself announcing my marriage with someone else other than you," seryoso niyang amin. "Don't get married to Ara, it would really break my heart," Angie pleaded. "I know. Pero alam mo kung ano ang pwedeng mangyari, 'di ba? Ayokong makaranas ka ulit ng hirap." Hindi mayaman ang pamilya ni Angie. Sa katunayan ay ito ang breadwinner. Lakas lang ng loob ang baon nito nang makipagsapalaran abroad. If it was luck, or fate perhaps na sa kompanya nila ito napadpad, ay iyon ang naging daan para magkakilala sila may dalawang taon na ang nakararaan. She became his secretary then. Siguro dahil magkalahi sila kaya mabilis silang nagkapalagayan ng loob. Eventually, their employee-employer relationship turned into friendship and later on, they became lovers. Noong una pa lang ay mahigpit nang tumutol sa relasyon nila ang kanyang pamilya. But thinking he wasn't serious with Angie like his past relationships, they let them be. Pero iba ang tama niya sa kasintahan. Mahal niya ito at gusto niya itong makasama habambuhay. "Sanay ako sa hirap, Carlos. Ikaw ang inaalala ko, alam kong hindi mo kakayanin," tugon ng dalaga. Sa katunayan, sa kakaisip nito na hindi niya kayang maghirap, hindi pa siya nito pinapakilala sa pamilya nito sa Pinas. She said it wasn't the right time. Lalo raw at magulo pa ang sitwasyon niya. Baka umasa ang pamilya nito tapos sa huli, maghihiwalay sila dahil kay Ara. Kaya naman nagpupuyos ang kalooban niya. He wished Ara would just go back to the States. Pero matigas din ang ulo ng sunud-sunurang babae. He couldn't just get rid of her especially when doing so was also going against his own family. "I don't want to see you in a difficult situation again, Anj." Niyakap niya ito. "I'm thinking, what if I marry Ara on paper only?" Napakalas sa yakap niya si Angie. "What do you mean? Are you going to marry her? What about me? What will happen to me, Carlos?" Kaagad na naglandas sa magkabila nitong mga pisngi ang mga luha nito. "Babe, listen to me. I will talk to Ara. Alam ko na napipilitan lang din siyang magpakasal. I will convince her. Our marriage doesn't have to be real. Pagbibigyan lang namin ang mga lolo namin," paliwanag niyang kinukumbinse rin ang sarili na maganda ang ideyang naisip niya. "And how long do you plan to stay married to her?" Humihikbing tanong nito. "Ayoko, you might fall for her!" "I don't know, I'll talk to Ara about it first. But, don't you trust me, Anj?" "See, you don't even know!" Umalis ito sa pagkakakandong sa kanya at akmang aalis. Pero maagap niya itong napigilan sa isa nitong kamay. Binuhat niya ito at ibinalik sa kama. Kaagad niya itong pinaibabawan at tinakpan ng mga labi niya ang mga labi nitong nais pang magprotesta. Ilang saglit pa ay naging maamo na ito at sinabayan na ang kanyang mga halik. But in his mind, he was still thinking of how to convince Arabella to agree to his plan. He was not going to leave Angie for sure. No matter what happens. *** Maaga pa ring gumising si Ara kinabukasan. Bago umalis ang mga Lagdameo kagabi, napagpasyahan na ngayong araw ay siya naman ang bibisita sa mga ito. Mabilis lang lilipas ang two weeks. Hindi iyon ideal at sapat para sa isang magarbong engagement party. Kaya naman sisiksikin nila ang schedule para kahit papa'no ay maging maayos ang kalalabasan. "Ang aga mong nagising, Ara," sabi ni Stella na nadatnan niyang naghahanda pa lang ng agahan. "Hindi na po ako makatulog, mama," tugon niyang kumilos para ipagtimpla ang sarili ng kape. "Saka hindi po ako sanay na tinatanghali ng gising," dagdag niya. Sa Amerika, hindi pwede ang magtagal sa higaan. Ginto ang oras doon at hangga't kaya ay babanat ng buto sa bawat available na oras. "Oh siya, nagugutom ka na ba? Sandali na lang ito." Umalis muna siya sa kusina at nagpunta sa garden. She was scrolling on her phone to check her work email nang biglang magring iyon. Dahil nagulat, muntik pa niya iyong mabitawan. An unknown number appeared on her screen. Bagamat nagdadalawang isip ay sinagot pa rin niya ang tawag. "Hello?" Bungad niya. "Let's meet, Arabella," sa halip na mag-hello muna ay sabi agad ni Carlos. Hindi pa niya ito nakakausap over the phone before pero kaagad niyang nabosesan ang binata. Isa pa, sino pa ba ang tatawag sa kanya na kasing demanding ng tono nito? "Pupunta ako sa bahay ninyo after breakfast. Let us just meet there," mahinahon niyang tugon matapos huminga nang malalim. "No. We need to talk now. Dadaanan ka namin sa bahay ninyo. Let's have breakfast first then we'll go to our house together," giit ni Carlos. Arabella counted down from ten. He said namin. For sure kasama na naman nito ang kasintahan nitong tinawag siyang pangit kagabi. Mukhang maagang masisira ang araw niya. But then again, she didn't have a choice. Um-okay na lang siya para matapos na ang usapan. Bumalik siya sa loob ng bahay at nagpaalam sa ina. Mabilis din siyang nakapagbihis para maging presentable naman sa paningin ng mga feeling nilikha nang perpekto. In less than thirty minutes, dumating ang sundo niya. Labag sa loob na naupo siya sa backseat at nanahimik hanggang sa makarating sila sa restaurant.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD