Hindi nakatulog si Ara. As in simula ng humiga siya bandang alas kwatro na yata ng umaga, hindi man lang siya nakaidlip. Iyon ay sa kabila ng pagod niya both physically and emotionally. Carlos did cook for her. She was surprised na kahit wala si Angie, kumpleto ang cooking supplies sa kusina. Pinili na lang nito ang pinakamabilis pero hindi nutrition compromised na putahe. He prepared stir fried vegetables in less than thirty minutes. Ara was impressed na marunong ito sa kusina. Swerte naman ni Angie. Hindi lang ito gwapo at mayaman, marunong din itong magluto. Nagsalo sila sa pagkain sa napakaagang almusal. Marami rin silang napag-usapan tungkol sa iba't ibang bagay. Nakalimutan nang tuluyan ni Ara ang namagitan sa kanila ilang oras lang ang nakararaan. Tingin niya ay sinadya n

