"How is your heart?" Nakauwi na sila noon. Sinamahan niya si Lance sa silid na uukupahin nito habang nasa kanila. To be honest, lutang pa rin ang pakiramdam niya kahit hindi naman sila nagkausap ni Carlos. Nagkaayaan na kasing umuwi kanina para mawala ang invisible tension sa pagitan nila. "Hmn?" Wala sa loob na napatingin siya sa kaibigan. "You were saying?" "Nothing," umiling si Lance. "Naniniwala na akong naka-move on ka na," biro nito pagkatapos at sinabayan nang mahinang tawa. Inirapan naman niya ito. Wala kasi siyang maapuhap sabihin. "Poor Robi…" He made a tsk tsk sound after that. "He already lost." "You saw it, Lance. He's happily married," malungkot niyang sabi. Malungkot? Bakit siya malungkot? "He didn't look very happy to me… He looked disappointed though. Sigurad

