2

1208 Words
Sienna's POV HALOS hindi na maipinta ang mukha ko nang maabutan ang sandamakmak na kalat sa maliit na apartment na inuupahan nila ni Joseph. Si Joseph Geronimo, aking nobyo at live-in partner ng limang taon. Gwapo, maputi, may taas na 5'7 at regular nagta-trabaho sa pabrika. Sa tagal na nilang nagsasama, hindi pa sila binibiyayaan ng supling. Handa na ako maging isang mabuting ina at maybahay subalit hindi pa siguro ito ang tamang panahon para magkaanak sila. Marami pa kong plano para samin ni Joseph. Makapasok sa isang malaking kumpanya, makabili ng sariling bahay at lupa, negosyo, sasakyan, makapag-travel sa ibang bansa at kung anu-ano pa. Kaso, isa pa lang ang natupad, ang makapasok sa kilala at bigatin kumpanya pero mukhang tagilid na agad ako sa trabaho. Mahinang napabuntong hininga lamang ako. Iginala ko ang aking tingin habang isa-isa kong pinupulot ang mga upos ng sigarilyo sa sahig, mga balat ng sitsirya, madumi platito na halatang pinaglagyan ng pulutan, may basag na baso pa at halos anim na bote ng Red horse mucho. Dumiretso ako sa maliit na kusina. May naulinigan akong impit na tawa, galing iyon sa loob ng banyo. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. "Joseph? Labs ikaw ba 'yan?" tanong ko habang naglalakad palapit sa banyo. Nang akma ko bubuksan ang pinto, bigla naman bumukas iyon. Sumulpot si Samantha. Ang 19 years old na pamangkin ko. "Ate Sein- Uhm, nakauwi ka na pala," nauutal na wika ni Samantha, bakas ang gulat at kaba sa mukha nito. "B-Bat.. ang aga mo yata Ate?" Marahan akong natawa. "Nag-Angkas ako, para maaga-aga naman ako makauwi at makasabay ko kayo sa hapunan. Si Kuya Joseph mo, nasaan?" Alas-sinko ng hapon ang out ko sa trabaho pero dahil sa haba ng pila palagi sa Shaw Station sa MRT, at pila ng UV Express pagbaba sa North Edsa Station, inaabot talaga ako ng alas-nuwebe ng gabi. Tsk ! Delubyo talaga ang mag-commute sa Maynila. "Ahh.. gano'n ba, Ate-" napatingin si Samantha sa kalat sa maliit na salas. "Naku, pasensya ka na sa kalat, Ate. Nandito po kasi kanina ang mga kaibigan ko. Si Kuya naman po...na..kina Utoy po yata. Ako na po bahala maglinis ng-" Umiling ako sabay taas ng isa kamay. "Sige na, ako na maglilinis. Magbihis ka na muna. Gabi na pero nagbabasa ka, mamaya pasukan ka ng lamig. May ulam na ba?" wika ko at nagsimula nang maglinis ng kalat. "W-Wala pa, Ate. N-Nagugutom na nga po ako e', wala na rin po bigas," nakangiwing sagot ni Samantha sakin. Muli akong napabuga ng hininga. Tinapos ko agad ang pagwawalis saka nagpunas ng maliit na center table nila at inilagay sa labas ang mga walang laman na bote ng beer. "Ako na bahala. Lalabas muna ako- pupunta na muna ako palengke. Pag umuwi Kuya Joseph mo, sabihin mo namalengke lang kako ako," paalala ko kay Samantha. Ngumiti ng matamis ang pamangkin ko sabay tango. "Opo, Ate." Pagkalabas ng bahay, naglakad ako patungong palengke. Wala na ako budget sa pamasahe, hindi ko alam kung aabot pa hanggang next week ang isanlibo ko. Bumili ako ng limang kilo bigas at halagang 120 na manok. Naglalakad na ko pauwi nang makasalubong ko si Utoy. Ang tricycle driver na tropa ni Joseph. "Utoy !-" tawag ko sa lalaki. Naglalakad ito patungo palengke habang ako naman ay pauwi na. "Oh, Sienna ! Kumusta na si Pareng Joseph, magaling na ba?" Natigilan ako bahagyang nalukot ang noo ko. Bakit nagtatanong ito tungkol kay Joseph gayun sinabi ni Samantha ay magkasama si Utoy at Joseph? Kung hindi magkasama ang dalawa, nasaan si Joseph nagpunta? "Uhm, oo, medyo maayos na siya. Konti pahinga na lang kailangan," tugon ko na may pilit na ngiti sa mga labi, bigla kasi akong nabalisa. "Mabuti naman. Sige, mamalengke pa ko-" Tumango tango na lang ako at nang tuluyan tumalikod na si Utoy, saka ako nagmadali sa paglakad pauwi. Nasa pinto na ko nang marinig ko ang maarteng pagtawa ni Samantha. "Ikaw talaga, Joseph-puro ka biro," malamyos na wika ni Samantha na para bang kinikiliti sa kilig. Dahan dahan kong binuksan ang pinto, nabungaran ko si Joseph na nakaupo na sa pang isahan sofa habang si Samantha nasa mahaba sofa. Matamis na ngumiti si Samantha sakin at kinuha ang pinamili ko. "Nandito na si Kuya Joseph, Ate. Ako na po magsasaing at magluluto," presenta nito na kaagad ko naman hinayaan. Pagod na ko, hindi ko na kaya kumilos-kilos pa. Tumayo si Joseph, hinila ako sabay halik sa pisngi ko. "Ang aga mo labs ah, himala," naglalambing na humalik din ito sa leeg ko subalit umiwas ako. "Seph- lagkit ko pa. Maglilinis muna ako ng katawan," tinatamad na wika ko. Bakas sa mukha ni Joseph ang pagkadismaya at iritasyon. Wala naman itong ibang sinabi, nanahimik na lang at bumalik sa kinauupuan. Kumuha ako ng tuwalya at pamalit na damit bago pumasok sa banyo. Ewan ko ba, may nararamdaman akong mali na hindi ko matukoy kung ano. Pagtapos maligo, sakto naman, tapos na rin magluto si Samantha. Nakita kong sinasandukan ni Samantha si Joseph ng mainit na kanin sa plato. Mayamaya ay sinandukan din naman ako. Ngumiti ako kay Samantha. Anak si Samantha ng kanyang tiyahin sa Leyte, gusto kong maghanap ng trabaho sa Maynila at tapos na ito ng Senior Highschool. Mabait, maganda, magalang, masipag at matalino bata si Samantha. Kaya naman, hindi ako nagdalawang isip na kupkopin ito sa bahay nila. Tumikhim ako para kunin ang atensyon ng dalaga. "Uhm, kailan ka pala mag-a-apply ng trabaho, Sam?" tanong ko habang kumukuha ng niluto nitong tinolang manok. "No worries, Ate. Nagpasa na ako ng resume sa Valerius Tech, waiting na lang ako sa Final interview ko," punong puno ng confident na sabi ni Samantha. Napasinghap naman si Joseph. "Talaga? Uy, good job ! Ang galing galing naman ng baby- beybi girl namin," biglang nautal sa dulo ng salita si Joseph, ikinatawa naman ni Samantha ng malakas. Ang weird ng tawa. Saan napulot anb beybi girl? Natatawa pa rin si Samantha. "Si Kuya Joseph talaga panay biro-" humarap si Samantha sakin at ngumiti. "Sabi kasi ni Kuya Joseph, dahil wala pa kayo baby... ako na lang muna daw ang magiging beybi girl niyo dito sa bahay." Ahh gano'n naman pala. Gumanti ako ng ngiti at hinaplos ang mahaba buhok ni Samantha. "Okay lang sakin, 'di ka naman na iba sakin kadugo naman kita. Sige, ikaw na muna ang beybi girl namin ni Kuya Joseph mo." "Thank you, Ate Sienna at Kuya Joseph." Nang matapos kumain, nakahiga na sila ni Joseph sa kwarto. Dahil maliit lang itong inuupahan nila, isang kwarto lang ang meron. Isang malapad na queen size foam ang nakalatag sa sahig. Ako ang nasa gitna, nasa kanan ko si Joseph at sa kaliwa ko naman ay si Samantha. Tulog na tulog ang dalaga sa tabi ko. Nakayapos naman sa beywang ko ang isang braso ni Joseph. "Labs..." pabulong na untag ko kay Joseph. "Hmmm?" "Kanina umuwi ako, nasaan ka nagpunta, kina Utoy ba?" "Hmm, hmmm, nagkumustahan lang naman kami. Bakit, hinanap mo ba ako? Di ko naman kasi alam na mapapaaga ang uwi mo labs- sorry," malambing nito sabi at siniksik ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. Imbes makatulog lalong lumalim ang kakaibang damdamin na nagpapagulo ng isipan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD