Levi's POV: Pauwi na kami papuntang Pinas. Maghahating gabi na at alas dos ng madaling araw ang aming alis. Naghahanda na kami ng mga gamit. Ang anak ko naman ay hinayaan kong matulog dahil gabi na. Masamang nagpupuyat ang mga bata. Napalingon naman ako sa maskuladong likod ni Milan na nag-aayos ng kaniyang sariling mga gamit. Napabuntong hininga naman ako. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan ko pa rin kung pakikinggan ko ba ang mga sasabihin at hinaing ni Milan. Gusto kong pakinggan, ngunit alam kong mas lalo akong masasaktan. Hindi dapat ako magpadalos-dalos, hindi rin naman tamang pinapatanggal ang mga bagay. Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Sa Pilipinas ko na pag-iisipan ang lahat. Sa ngayon ay aatupagin ko muna ang aking pag-uwi. Ramdam kong mahal ko pa rin

