Levi's POV: Magana akong kumain. Kasabay ko pa si Milan, idagdag na sobrang saya namin, kaya sobrang dami kong nakain. Napakasarap pa ng mga pagkain, hindi nga namin naubos lahat dahil sa dami. Sinabihan ko naman siyang ibigay ang tira sa mga katulong niya at kasama rito sa bahay. Para naman matikman nila ang masasarap na putaheng ito. Saka wala na rin namang ibang kakain. Sayang kung mapapanis lang. Tumitig naman ako kay Milan. Napakagwapo nito habang nagpupunas ng table napkin sa gilid ng labi. Pwede ko bang ikiss na lang iyon? Parang humaharot lalo yata ako. "Nabusog ka ba talaga?" tanong ni Milan. "Oo naman! Ang dami ko kayang nakain!" sagot ko. "Uhm Levi, can we talk now? Gusto kong marinig ang panig mo. I also wanna hear your point of view," tanong naman ni Milan. Nakangiti ko

