Levi's POV: Pauwi na kami ng Pinas ngayon ni Milan. Masaya akong uuwi ng Pinas na magaan na ang dibdib at walang dalang bigat. Na kasama ko na si Milan at mabubuo na ang pamilya namin. Walang mga bagabag, walang hadlang sa aming pag-iibigan, at mas pinatatag pa ang aming pagsasama. Sa wakas, nandito na rin kami sa puntong ito. Totoo ngang nasusubok ng panahon ang isang relasyon. Hindi mawawala ang mga problema, sa kahit saan naman. Mapa relasyon man, pamilya, pagkakaibigan, pag-aaral, hanapbuhay, kahit sa pang-araw araw na paglalakbay. Kaya nga tinawag na partners ang dalawang tao na nasa isang relasyon, tulungang lampasan ang lahat. Walang iwanan, pinag-uusapan ang mga bagay na siyang nagawang mali. Dahil hindi ko kinausap si Milan at mahigpit na nilagyan ng bakod ang sarili ko mula sa

