Levi's POV: "I'm sorry, let me explain. Please mag-usap tayo, I'm really sorry sa lahat ng nagawa ko–" "Shh, mamaya na natin pag-usapan iyan. Lilinisan muna kita at gagamutin. May paltos ka pa. Hindi ka dapat nagtatakbo. Naaksidente ka pa. Paano na lamang kung masama ang naging tamo mo sa gate namin? Baka maaga akong atakihin sa puso dahil sa 'yo. Please be careful. Maraming nag-aalala sa' yo," putol niya sa akin at binuhat ako. Naiyak na ako habang buhat ni Milan. Sumubsob ako sa dibdib niya habang mahigpit na yakap ang bouquet na binili ko. Bakit hindi siya galit sa akin? Sobrang kalmado niya, sobrang gwapo, at sobrang bango rin. Ngunit kahit ganoon, ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin. Paano niya nagagawang kumalma kahit ang tono ay nag-aalala? Kapag ako ay laging naghi-hysterical

