Levi's POV: Kahapon pa kami nakarating dito sa Japan. Talagang pagod ang inabot namin dahil nastranded kami sa airport. Sobrang daming reporters ang nakatunog na roon sa airport na iyon kami bababa. Halos kanda siksikan na kaya buhat-buhat ni Milan si Milliene. Nakayakap naman sa gilid ko si Kuya Mission para hindi ako madali ng mga reporters. Mataas na ang sinag ng araw kaya nakasubsob ako sa aking higaan. Maingay na sa baba at rinig iyon hanggang dito sa taas. Ang aga nilang magpatugtog. Paniguradong si Lola Esther ang nagpatugtog noon. Sumunod sila rito nila Lola Pia dahil nahuli sila pati na rin si Lolo Mayhem na asawa ni Lola Esther. Kakauwi lang nila kani-kanina pero sasama na sila sa Disneyland mamaya. Excited na nga si Milliene na maagang nagising. Nakasubsob lang ako at nakahig

