Levi's POV: Aligaga ako at hindi na malaman ang gagawin. Kung magbibihis muna, maliligo, kakain, magpapaalam sa anak ko, maging ang kulay ng panty na susuotin ko ay aking pinoproblema. Kailangan ko syempre ng ticket papunta roon. Tatawagan ko na si dad. Naka-ilang ring lamang ay agad itong sumagot. "Hello dad? Si Levi po ito. Pwede ko po bang mahiram ang jet plane niyo? Pupunta po akong Italy para sundan si Milan. Nag-away po kasi kami, I mean inaway ko po siya tapos naitaboy ko ayon po umalis. Please dad, pumunta rin po kayo rito para bantayan si Milliene. Dad please bilis na maawa ka sa akin, unica iha mo ako at dahil ngayon lang ulit nagrequest kaya please be fast. May bagong bala rin ako dito sa Ps5 ng Resident Evil–" "Okay okay, pupunta na kami r'yan. Tinitext ko na rin agad si Tit

