Levi's POV: "Mommy, maligo na raw po ikaw sabi ni daddy at mag-asikaso na. Mamaya raw po ay dadating na sila lolo at lola, tumawag po kanina sa telepono. Ayos ka lang po ba? Masama po ba ang pakiramdam mo, mommy? Tell me po if you are feeling sick. I will get you some medicines po," pag-agaw ni Milliene sa atensyon ko. "Okay lang ako, baby ko. Ikaw rin, maligo na dahil amoy pawis na ang baby ko. Laro kasi nang laro sa labas eh, iyan tuloy! Maliligo na muna ako, go with daddy sa baba para maihanda ang damit mo. O kaya mamaya na ikaw magwash pagtapos ni mommy. Your choice," nakangiti kong sabi at nilaro ang kaniyang mahabang buhok. "Papahelp na lang po ako kay daddy para tapos na rin po akong magwash. Ba-bye, mommy! Washwell po!" paalam ni Milliene. "Ba-bye rin, Milliene. Don't forget to

