Levi's POV: Kinabukasan ay tanghali na akong nagising dahil hindi talaga ako makatulog kagabi. Paano ba naman ay bigla akong niyakap kagabi ni Milan sa kama, bale si Milliene ang niyakap niya at lumampas sa bewang ko ang kamay niya. Agad ko naman iyon na tinanggal at naiinis siyang tiningnan. Napabuntong hininga naman no'n si Milan at nanghingi ng sorry. Pagkatapos no'n ay hindi lalo ako nakatulog. Nasa iisang kwarto at kama lang kami ng lalaking kinaiinisan ko. Kung hindi niya lamang ginawa iyong panloloko sa akin ay ayos pa rin sana kami. Baka nasa barko pa rin kami at nagbabakasyon. Masaya, walang problema, at excited na makita ang anak naming dalawa. Kaso nangyari na ang dapat mangyari, nagwala ang Alessandra na iyon at nalaman kong ginawa pala ako ni Milan na kabit. Napakasakit, sob

