Milan's POV: Matapos naming kumanta ni Milliene ay tuwang-tuwa ang maganda kong anak. Niyakap ako nito at hinalikan sa pisngi. Napakasarap sa pakiramdam ng may anak na mahal na mahal ka. Ano pa kaya kapag napatawad na ako ni Levi? Magiging buo na muli ang pamilya namin. "Nag-enjoy ba ang princess ko sa bonding nating dalawa?" nakangiti kong tanong kay Milliene. "Opo daddy, super! Enjoy na enjoy po ako! Thank you daddy! I love you!" masaya niyang sabi. "I love you too, princess," masaya ko namang tugon. Inayos na namin ang mga toys niya matapos naming magkwentuhan. Napamangha naman ako dahil may resin treasure box si Milliene na lagayan niya ng mga laruan, tatlo ito. Regalo raw ito sa kaniya ni Lolo Zodiac at Lola Yolly niya. Pinuri ko naman na napakaganda dahil umiilaw pa ito. May

