Levi's POV: Isang linggo na ang nakalipas mula noong lumapit ako kay Tita Galaxy. Hindi na niya ako pinayagang lumabas pa. Nakalaya na rin si Milan at kutob kong nandoon na siya sa dati naming apartment. Alam kong nag-aalala na siya sa akin, sa aming mag-ina, pero wala akong magagawa para mapuntahan siya. Paglayo sa kaniya ang kapalit ng pagpapalaya. Masyado pa nga kaming bata ni Milan. May mga bagay akong narerealize na mga pagkakamali ko. Masyado kaming mapusok, baka kapag pinagpatuloy namin ang paglilive-in ay masundan pa ang anak namin. Labag din sa loob kong sabihin sa kaniyang miscarriage ito ngunit iyon ang kondisyon ni Tito Lacoste. Sobra din ako nasasaktan. Mamaya ay sasabihin na namin sa aking mga magulang ang lahat maging kay Kuya Mission. Alam kong magiging mahirap tanggapin

