"TALAGA PO? Papasok na ako sa school?" bulalas ni Natalie nang sabihin ng kanyang mamá na makakapag-enroll na siya para sa susunod na pasukan. Napayakap pa siya sa unan, ngiting ngiti. "Yes, little princess. High school ka na. It's your price dahil ang tataas ng grades mo." Umupo ito sa gilid ng kama. Ang ina naman ang niyakap niya nang mahigpit. Natalie was not happy; she was ecstatic. Bakit hindi? Kung mula nang magkaisip siya ay umiikot lamang ang buhay niya sa loob ng Villa Tres Marias? Not to mention that she was home schooled since then. Hindi naman kasi siya maaaring lumabas. Iyon ang mahigpit na ipinag-uutos ng kanyang mama --- at ni Elise. Wala namang kaso iyon dahil sanay na siya. Normal na kumbaga. "Thank you, Mamá. Thank you so much." Hinagkan niya ito sa pisngi saka kumal

