"WE STILL have two hours left." Iba ang itinugon ni Bradley sa sinabi niya. Naunawaan niya iyon. Marahil ay ayaw nitong pag-usapan si Adrianna. Wala nga naman siyang kinalaman doon. Ibang usapin iyon. At mukhang naunawaan din ni Bradley na ayaw niyang pag-usapan iyong nararamdaman nila. Napanatag na ang kalooban niya. Sapat na iyon. "So..." "Show me your music studio." Bago pa man makatanggi, hinila na agad ni Bradley ang mga kamay niya. Tatanggi siya dahil naroroon ang mukha nito. Natalie was a bit shy. Medyo creepy iyong ideya na ang isang fan, inilagay ang nakaguhit na mukha ng iniidolo sa ceiling. Mahirap na. Baka kilabutan pa ito. Hustong hinila niya ang kamay pabalik. "What?" Si Braley. "I've already seen what's on the ceiling of your recording booth." Mapanuksong tingin ang ip

