Nagsalo salo kaming tatlo sa may gitnang parte ang silid kung saan nakalagay ang mga upuan na nakapabilog. Hindi ko aakalaing magkakasya si Neon sa loob nang silid ngunit mabuti na lamang at mayroon isang parte kung saan puro lamang mga gutson ang laman kaya naman doon na namin pinapwesto si Neon nang sa gayon ay hindi niya masira ang lugar. Pakiramdam ko ay nakatulog na siya dahil sa malalamambot na gutson na kaniyang hinigaan at hindi ko naman maiwasan ang mapangiti. Mukhang matutulog lamang siya sa buong oras namin dito. Tahimik lamang kami nang ilang sandali at para bang nakikiramdam kami kung sinong unang magsasalita kaya naman tumikhim ako upang kuhanin ang kanilang mga tanesyon. Nang mapatingin sila sa gawi ko ay sinabi ko na ang planong nabuo ko sa aking isipan. “Sa tingin ko kai

