Nagkakagulo na sina Mor, Zeref, Eva dahil sa nangyayari sa Mahal na Reyna Khione, Hindi umalis si Zeref sa tabi niya habang dali dali namang nagtawag ng tutulong sa mga naturalist si Mor. Si Eva ay nagsimula nang umiyak dahil sa estado nang reyna. Tinawag ni Zeref ang mga guwardiya na naatasang magbantay sa reyna at tumawag pa nang ibang guwardiya upang bantayan ang buong lugar.
Mabilis na kumalat ang balita at nang makarating ito sa mga naturalist ay dali daling pumunta ang labindalawang taga-gamot upang masigurong ligtas ang susunod na reyna. Nakasalubong nila ang umiiyak na si Mor at halos makahinga naman siya nang maluwag nang makitang marami ang nagpasyang tutulong sa reyna.
Sa throne room kung nasaan si Reyna Sabrina at Deity Naruu, ay naalarma sa nasagap na balita. Nagkatinginan sila at halos sabay na nagpasyang puntahan ang reyna. Takot ang nararamdam ni Reyna Sabrina dahil hindi maaring mamatay ang susunod sapagkat mawawala ang balanse nang kaharian. Kailangan itong maagapan at gagawin niya ang lahat upang maisalba ang kaniyang pinakamamahal na kaharian.Sakay nang kaniyang tsunami cart ay sabay silang umalis nang throe room ni Deity Naruu at dali daling pumunta sa kinaroroonan ni Reyna Khione.
Habang yakap yakap ni Zeref ang reyna ay gumawa siya nang higaan na gawa sa tubig at doon hiniga ang reyna. Halos wala nang kulay ang kanyang mukha habang kulay violet naman ang kaniyang bibig. Hinawakan ni Zeref ang kaniyang kamay at napansin niyang halos magkulay violet na rin ang mga kuko nito at sobrang lamig nang kaniyang mga kamay.
Nagigting ang kaniyang mga panga at hinawakan nang mas mahigpit ang kamay ni Reyna Khione. Gumawa rin siya nang kumot na gawa sa tubig at ipinatong ito sa kaniya upang mabawasan ang panlalamig nito.
Nang dumating ang mga naturalist ay hindi hinayaan ni Zeref ang reyna sa kanilang mga kamay kaya’t nandoon lamang siya sa kaniyang tabi habang tinitignan nila ito at inalisa kung ano nga ba ang sanhi nang pangyayari. Tumabi naman si Mor sa tabi ni Zeref at pinigilan ang humikbi nang malakas upang hindi maistorbo ang mga mangagamot.
Ang unang naturalist na siya ng pinakamatanda ay siyang tumingin sa reyna, habang ang iba naman ay nakapalibot sa kaniya at sinusuri ang iba’t ibang parte nang katawan nito. Ang mga guwardiya ay mahigpit na binabantayan ang pintuan sa lugar at ang iba naman ay binabantayan ang mga nagsilbi nang pagkain sa reyna.
Ilang saglit pa ay dumating na si Reyna Sabrina kasama si Deity Naruu at nagmamadali silang lumapit sa batang reyna. Sabay sabay na yumuko naman ang mga tao na nasa loob nang silid upang magbigay galang sa kanilang pinuno.
Ipinagsawalang bahala na lamang ito ni Reyna Sabrina at dali daling hinawakan ang kamay ni Khione. Nang makita ang estado nang batang reyna ay halos maiyak din ito sa sinapit niya. Hindi niya aakalaiang mararanasan ito ni Khione ngayong hindi pa naman siya nakokoronahan.
Tumigas ang ekspresyon ni Reyna Sabrina at tumingin sa mga naturalist na nasa loob nang silid. Nagsimulang umusbog ang galit sa kanyang dibdib dahil sa nangyari. Napatingin siya kay Deity Naruu at tumango naman ito.
Nagsimulang lumipad sa ere ang dragon at nagpaikot ikot ito upang gumawa nang barrier sa buong silid. Mararamdaman ang bagsik mula sa isang diyos kaya naman hhindi maiwasan nang iba ang matakot at manginig sa nasasaksihan.
“You have to treat Queen Khione immediately. Until she is fine, no one is allowed to go outside of this room.” Malakas at maotoridad na utos ni Reyna Sabrina na siyang ikinayuko lalo nang mga tao sa loob nang silid.
Hinawakan nang mas mahigpit ni Zeref ang kamay nang reyna at wala siyang balak na bitawan ito. Napansin naman ito ni Reyna Sabrina at tinitigan siya nang matagal ngunit hindi siya natakot at sa halip ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakahawak na para bang sinasabi niyang hindi niya ito bibitawan.
Hindi naman alam ni Reyna Sabrina kung ano ang kaniyang magiging reaksyon sa ipinapakita ni Zeref kaa naman inalis niya na lamang kaniyang tingin sa binata at ipinokus ang kaniyang atensyon sa reyna.
“Your Majesty, I think her Young Excellency has been poisoned.”
Yumuko ang mga naturalist nang marinig ang mga singhap mula sa reyna at kay Mor. Napakunot naman nang noo si Zeref dahil sa kanilang nahanap. Kung nalason ang reyna ay dapat nalason na rin si Eva at si Mor na siyang tumikhim sa mga pagkain nito.
Hindi niya maaiwasang tignan ang dalawang babaeng nakasama niya sa buong oras na iyon, ibig sabihin ay isa sa kanila ang lumason sa reyna. Napadako rin ang kaniyang tingin sa mga mabababang nilalang na siyang naglagay nang mga pagkain sa mesa.
“How come she is poisoned? There are no Poisoner here.” Galit na wika ni Reyna Sabrina, hindi siya makapaniwalang nilason nila ang susunod na reyna.
“Maybe someone put some poison I her drinks or in her cookies.” Wika naman ni Deity Naruu at sinimulang tignan ang mga taong nagsilbi sa reyna. Hindi naman maiwasang manginig nang mga ito dahil sa nakakatakot na presenya nang dalawang pinakamakapangyarihan sa buong Auxthen. Lumuhod ang mga nagsilbi at nagmakaawa.
“Hindi po kami Mahal na Reyna, Diyos Naruu. Hindi po namin alam kung ano man ang mayroon sa tsaa at pagkain na aming inihain.”
“Opo, nagsilbi lamang po kami, hindi po kami ang gumawa nang mga pagkaing ito.”
“Silence!!” Halos yumanig ang lupa dahil sa lakas nang kapangyarihan na lumabas mula sa Reyna Sabrina at hindi naman maiwasan nang mga tagasilbi ang ms mapahikbi dahil sa nangyari.
“Treat her now.” Wika ni Deity Naruu sa mga naturalist at dali dali naman silang sumunod sa utos nang diyos.
Matapos ang ilang oras ay hindi pa rin nagigising ang Reyna Khione. Bagamatnaging maayos na kaniyang kalagayan ay hindi nila matukoy ang dahilan nang kaniyang mahimbing na pagkakatulog.
Ang sabi nang matadang naturalist ay isa itong epekto nang lason na pumasok sa kaniyang katawan. Hindi rin nila masabi kung anong lason ito dahil bago lamang ito sa kanila, mukhang napaghandaan at napagplanuhang maiigi ang nangyaring panlalason sa reyna.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin binibitawan ni Zeref ang kamay nang reyna at hindi naman siya pinansin nang mga gumagamot sa kaniya. Hindi niya alam kung anong nangyayari ngunit kailangan niyang masiguro na ligtas pa ang reyna kaya naman ang paghawak sa kaniyang kamay ay isang solusyon dito. Hindi niya rin maiwasan ang makaramdam nang galit dahil sa mga sinapit nang reyna sa loob nang palasyo. Halos dalawang buwan pa lamang siya ngunit pangisang taon na ang kaniyang mga naranasan.
Napahinga siya nang malalim habang pinapanood si Mor na punasan ang mukha nang reyna. Hindi pa rin natigil sa paghikbi si Mor at alam ni Zeref na sinisisi nito ang kaniyang sarili dahil sa nangyari sa reyna. Iniisip ni Mor na siya na lamang dapat ang nasa sitwasyon nang reyna at hindi si Khione mismo. Hindi niya mapapatawad ang sinumang may gawa nito.
Pagkaraan nang ilang sandali ay bumalik na si Reyna Sabrina kasama si Deity Naruu. Umalis sila kanina upang asikasuhin ang ilang mga tungkulin nila at isa na roon ang pagiimbestiga sa kung sino man ang ay salarin sa panglalason sa reyna. Nais sana itong gawin mismo ni Zeref ngunit binalaan si ni Reyna Sabrina na ang reyna mismo ang kaniyang tungkulin kaya naman ipaubaya niya lamang ito sa kaniya. Mula kanina hanggang ngayon halos maguumaga na ay walang lumabas sa silid sa takot nila kay Queen Sabrina at Deity Naruu.
Patuloy pa rin naman ang labindalawang naturalist sa pagaasikaso at pangaggamot sa reyna habang hindi pa nila matukoy ang kung ano mang lason ang nasa katawan nito ay hindi nila malaman ang gamot na pwede nilang ipainom. Nakagawa na sila nang hindi mabilang na gamot gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit ni isa sa mga iyon ay hindi nagising man lamang ang reyna.
Mas tumahimik ang lahat nang tumayo na si Reyna Sabrina at Deity Naruu sa tapat nang batang reyna at pinanood ito. Hanggat hindi nagigising ang reyna ay hindi nila ito hahayaangbumalik sa kanyang silid dahil hindi nila kilala kung sino man ang nais pumatay sa reyna.
“All of you would be put under watch starting today. Harming the queen is treason and therefore shall be punished by death with black fire.”
Napangsinghap ang mga tao dahil sa sinabi ni Reyna Sabrina. Ang black fire ay siyang apoy na nagmula sa mga shadows. Ang apoy na ito ay hindi ordinaryo sapagkat ito ay likido na kapag pinainom sa mga tao ay susunugin ka nito mula sa loob. Nakukuha nila ito sa mga laway nang mga matataas na shadows na kanilang napapaslang at ito ang pinakamasakit na parusa sa buong kaharian.
“Until the queen has woken up, you will remain here for the time being.”
Binigay ni Reyna Sabrna ang ilang mga sangkap na nakuha niya mula sa ibang kaharian na sa tingin niya ay makakatulong sa reyna. Pinanood niyang gamutin nila ito at halos magmakaawa siya sa lahat nang diyos na pagalingin ang batang reyna dahil sa kaniya nakasalalay ang buong kaharian.