CHAPTER 31

2036 Words
Pagkatapos nang mga klase ko ngayong araw ay hindi na muna namin itinuloy ang afternoon tea dahil inibahan ni Reyna Sabrina ang mga dapat kong gawin sa hapon kaya naman dumiretso kaming muli sa throne room upang alamin ang gagawin  mula mismo sa reyna. Pagkapasok doon ay nagulat ako nang bigla bigla na lamang yumuko ang mga guwardiyang nagbabantay sa loob sa aking direksyon bago muling ipinagpatuloy ang kanilang pagbabantay.   Hindi ko naman napigilang yumuko rin pabalik kaya dali daling hinawakan ni Mor ang aking balikat upang pigilan ako. Dumiretso na lamang ako sa may trono at yumuko na palagi kong ginagawa pagkarating ko roon. Napansin ko namang nakangiti si Reyna Sabrina kaya napangiti rin ako nang maliit kahit kinakabahan ako sa ipapagawa ngayong buwan.   “Since we’re done with the afternoon tea which somehow gave you the chance to socialize, now is the time for you to start preparing for you coronation night. I would be having someone here today until your coronation night to prepare everything, but I want you to be involved with the planning itself.” Napatango naman ako kay Reyna Sabrina nang magsimula itong magsalita at sabihin ang mga dapat kong gawin. Pakiramdam ko naman ay mas maayos ito kumpara sa afternoon tea na ginawa namin noong nakaraang buwan.   “Saan po mangyayari ang pagplaplano Mahal na Reyna?” Nagulat naman ako nang biglang nawala ang kaniyang ngiti at tumaas ang kaniyang kilay. Napahakbang naman ako patalikod dahil sa pagbabago nang kaniyang ekspresyon. May nasabi ba akong mali? Napatungo ako dahil pakiramdam ko ay mapapagalitan at mapaparusahan ako dito mismo sa harapan nang aking mga kaibigan. “I told you to speak English to me, Khione. You will be a queen in two months, I assume Morgarette would be learning the same language as well.”   Napatikom naman ako nang aking bibig at napatingin kay Mor. Mukhang kailangan naming magaral nang sabay sa lenggwaheng ito. Huminga ako nang malalim at tumingin sa mga mata ni Reyna Sabrina bago ko inulit ang sinabi ko kanina sa ibang lenggwahe. “Where would the planning take place, Queen Sabrina?”   Napangiti naman siya sa aking sinabi at mukhang nakuntento sa paraan ko nang paggamit nang mga salita. Napatingin ako kay Deity Naruu at nakitang tumango ito sa akin. Mukhang unti unti na akong nagiging reyna dahil sa mga inaaral ko at pakiramdam ko ay may maipagmamalaki na ako kahit papaano. “Anywhere inside the Diamond Castle grounds will do. I would also be expecting your lady of the bedchamber to help you and your Imperial Guard to guard you in case you go out of the palace.”   Napatango na lamang ako dahil hindi ko naman alam ang aking sasabihin. Kahit papaano ay nakakaramdam ako pagkasabik sa pagplaplano dahil pakiramdam ko ay masaya ito. Tumikhim si Reyna Sabrina kaya naman dali dali kong naibalik sa kaniya ang aking paningin. “Another thing, Khione dear. I think you have a visitor inside the palace.”   Napakunot naman ang aking noo dahil sa pagtataka. Sino naman kaya ang bibisita sa aking kung gayong napakalayo nang aking pinaggalingan mula sa Kapitolyo. Hindi ko alam kung mali lang ba ang rinig ko sa sinabi ni Reyna Sabrina ngunit iminuwestra niya ang kaniyang kamay sa likuran at pagtingin ko roon ay sakto namang bumukas ang dalawang pinto papasok sa loob nang throne room. Doon ko nakita ang taong ngayon ko lamang naalala na sinabing bibisita sa akin pagkarating niya dito sa Kapitolyo.   Napanganga ako habang pinapanood siyang maglakad palapit sa akin. Yumuko muna siya kay Reyna Sabrina bago siya yumuko sa akin na isyang ikinakunot nang aking noo. Nakalawak nang kaniyang ngiti at hindi ko maiwasang mahawa sa kaniya. Napatingin ako kay Reyna Sabrina upang hintayin ang kaniyang permiso na makausap at makasam ko ang aking kaibigan. “You may go.”   Wika niya habang nakangiti nang matamis sa akin kaya naman yumuko kaming muli at nagpasalamat naman ako sa kaniya bago kami sabay sabay na naglakad palabas nang throne room. Pagkalabas ay pinalo ko siya sa kaniyang balikat at napatawa naman ako nang magulat siya dahil sa ginawa ko. “Ano ba Khione, napakasadista mo talaga. Ikaw na nga itong binibisita, namamalo ka pa.”   Napatawa ako sa kaartehan niya hanggang Kapitolyo ba naman hindi pa rin nagbabago si Hiro? Napangiti at napayakap sa kaniyang katawan dahil mas matangkad siya nang ilang pulgada sa akin. Naramdaman ko namang yumakap siya pabalik kaya naman nagyayakapan kami sa harapan nang pinto nang throne room.   Narinig kong tumikhim si Mor kaya naman napabitaw ako sa kaniya at humakbang patalikod. Kinuha naman iyong tyansa ni Mor upang mabati si Hiro na ikinatawa ko naman. Sa palagay ko ay bagay ang dalawang kaibigan kong ito kung hindi lamang gusto ni Mor si Zeref ay sila ang ipagtutulakan ko sila sa isa’t isa.   “Sa garden na lamang tayo magusap dahil kaunti lamang ang tao roon nang ganitong mga oras.” Wika ko at dali dali naman silang sumangayon. Tahimik lamang si Zeref at hindi man lang binati si Hiro kaya naman napatingin ako sa kaniya habang naglalkakad papunta sa ahrdin nang palasyo. Hindi kaya may gusto rin siya kay Mor at naiinis siya dahil napapalapit si Hiro kay Mor?   Napailing iling ako dahil sa aking mga iniisp. Hindi ko dapat sila hinuhusgahan nang hindi nalalaman ang kanilang kwento. Napansin naman ni Hiro ang pagiling ko kaya hinawakan niya ang aking ulo at dali dali ko naman itong inalis. Tinapik rin ni Mor ang kaniyang kamay palayo dahil magugulo ang ayos nang aking buhok na gawa mismo ni Mor kaninang umaga. Nang makarating kami sa may gazebo kung saan ginaganap ang aming mga afternoon tea ay naupo kami sa mga mesa at nagtinginan lamang kami nang ilang sandali.   Sabay sabay kaming napatawa pagkatapos lamang nang ilang saglit dahil sa pagtitinginan naming. Hindi ko aakalaing makikita kong muli si Hiro dito sa Kapitolyo at ngayon ay mapapalapit na akong muli sa kaniya dahil dito na siya titira. ” Kailan ka pa nakarating dito?” Wika ko nang matapos kaming magtawanan at tulad nang dati ay hindi sumama si Zeref. Kailan ko kaya maririnig tumawa ang kaibigan kong ito?   “Kaninang umaga lamang, hindi kaagad ako nakadalaw dahil nagusap muna kami noong bago kong amo at inayos ko rin ang aking mga gamit sa bago kong tutuluyan.” Napatango tango naman kami parehoni Mor sa kaniyang sinabi.   “Kamusta naman ang Machinery Team? Mababait naman ba sila?” Tanong ni Mor at napatingin naman ako kay Hiro habang hinihintay ang kaniyang sagot. “Ayos naman sila, karamhian sa kanila ay galing sa middleborn kaya naman hindi ako ganoon nahihiya.”   Nagpatuloy lamang kami sa pagkakamustahan at pagkwekwentuhan hanggang sa dumilim na at kailangan nang umalis ni hiro sa palasyo. HInatid naman namin siyang muli sa harapan nang throne room dahil doon malapit ang labasan. “Magkita na lamang tayong muli, Hiro. Mas madalas na ngayon tutal nandito ka na rin sa Pedrimont.”   “Oo naman, sisiguraduhin kong bibisita ako kapag wala akong ginagawa.” Napatango naman ako sa kaniya.   “Kung kailangan mo man nang tulong ay nandito lamang kami para sa iyo Hiro.” Wika ni Morn a siyang tianguan lamang ni Hiro. Nagyakapan kaming muli bago namin siya pinanood na umalis. Hinintay muna naming mawala siya sa aming mga paningin bago naming napagdesisyonan na bumalik na sa aking silid. Pagkarating ay ginawa na naming ang mga dapat gawin at nagpaiwan muna ako sa aking private suite upang magbasa nang mga libro. Hinayaan ko lamang nakabukas ang pinto upang makita ako ni Zeref at Mor mula sa labas.   Hindi ko namalayan ang oras at hating-gabi nan ang matapos akong magbasa kaya naman dali dali kong inayos ang aking mga gamit bago lumabas sa private suite. Isinara ko ang pinto sa private suite at pagtingin ko ay walang katao tao sa loob. Maski guwardiya ay wala kaya naman napakunot ang aking ulo, mukhang ngayon lamang nangyari ito.   Dumaan ako sa may fireplace at mga upuan upang makapunta sa aking bed chamber ngunit nagulat ako nang mahanginan ang malaking tapiserya na nakasabit sa ding ding. Dahan dahan ko itong nilapitan upang tignan kung ano ang nagyayari rito. Napansin kong may kaunting hangin ang lumalabas mula sa likod nang tapiserya kaya naman dahan dahan ko itong inilihis pagilid na parang kurtina.   Napansin kong butas ang parteng ito na para bang may kwarto sa loob kumuha ako nang ilaw at itinapat doon upang makita kung ano ang laman nang kwarto ngunit napansin kong may hagdan na patungo sa ibaba. Hindi ko alam kung dapat ko bang tahakin ito pero dahil sa aking kuryosidad ay napagdesisyonan kong bumaba habang walang tao ang makakapigil sa akin. Dala-dala ang ilaw sa aking kanang kamay ay bumaba ako sa hagdan.   Napansin kong may mga ukit ukit sa ding ding na katulad lamang nang nasa mga tapiserya sa aking kwarto. Napakarami ding alikabok at dumi na para bang napakatagal na panahon n amula nang may bumaba sa parteng ito nang palasyo. Sinundan ko lamang ang hagdan hanggang sa makarating ako sa pinakababa nito. Napansin kong may diretsong daan pa pagkatapos nang hagdan kaya naman tinahak ko rin ito.   Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na naglalakad dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nararating ang dulo nang daang tinatahak ko. Pagkaraan nang ilang saglit ay napatigil ako dahil may dalawang daan ang sumulpot at hindi ko alam kung saan ang aking tatahakin. Ang isa ay pataas habang ang isa naman ay pababa. Naisipan ko na lamang ang daan sa kanan kung saan may hagdan pababa at muling naglakbay pababa.   Hindi ko aakalain nag anito kalalim ang palasyo. Mukhang marami ngang sikreto ang aming kaharian at handa akong ibunyag ang lahat nang ito. Naramdaman kong muli at hangin kaya naman nasisiguro kong tama ang daang tinahak ko. Pakiramdam ko ay napakatagal na akong naglalakad ngunit hindi ko pa rin makita ang dulo.   Nais ko na sanang bumalik dahil hating-gabi na at inaantok na rin ako sa lahat nang nangyari ngayon araw ngunit pakiramdam ko ay may humihila sa aking magpaptuloy kaya naman napabuntong hininga na lamang ako at itinuloy ang aking paglalakbay.   Pagkaraan nang ilang sandal ay nakita ko na sa wakas ang dulo. Isa itong malahiganteng pinto na gawa sa bakal. Dalawang pinto ito na may simbolo nang dragon at dyamante sa magkabilang pinto. Hinawakan ko ito at sinubukang itulak nang sa gayon ay makita ko sana kung ano ang itinatago nito. Ngunit kahit anong tulak ko ay hindi ko ito mabuksan.   Napabuntong hininga na lamang ako at nagsimulang maglakad pabalik nang makarinig ako nang nagsalita kaya naman napatili ako at napatalon dahil sa gulat. Dali dali naman akong tumalikod at hinanap kung sino ang kasama ko sa loob nang daan na iyon ngunit wala akong makita. Nagsimula akong matakot at inilabas ang aking armas.   “Nandito ako Reyna.” Nagpalinga linga ako dahil napakalapit lamang nang boses na iyon mula sa akin. Hindi ko alam kung niloloko lamang baa ko nito o kung ano ano lamang ang aking naririnig. “Zeref?” Wika ko at nang walang sumagot ay napabuntong hininga ako nang wala akong makitang kahit na sino.  Mukhang niloloko lamang nga ako. Tumalikod na ako ngunit tinawag ako nitong muli kaya naman napaharap ako sa pinto at napansin kong nabuhay ang dragon mula sa pinto. Nilapitan ko ito at napanganga ako nang gumagalaw na ang simbolo na nakadikit sa may pinto. “Ikaw ba iyong nagsalita?”   “Ako nga.” Hindi ko maalis ang aking mata sa kaniya dahil hindi ako makapaniwalang nagsasalita ang simbolo na nasa may pintuan. Pakiramdam ko ay nababaliw na ako sa mga oras na ito at kailangan ko lamang matulog. Kinurap kurap ko ang aking mga mata upang makasiguro na hindi lamang ako nanaginip. Kinurot ko rin ang aking pisngi at nang masaktan ako ay doon ko lamang napagtantong totoo nga ang nakikita ko.   “Papaano ka nakakapagsalita?” Hindi pa rin ako makapaniwalang kumakausap ako ngayon nang isang pintuan. Sobrang dami talagang nagbabago sa buhay ko ngayon at hindi ko lamang alam kung marami pa akong mga bagay na madidiskubre sa hinaharap. Sana lamang ay kayanin ko ang mga ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD