CHAPTER 35

1556 Words
“That was great, Your Highness. Now are you ready?”   Napangiti naman ako sa kaniyang sinabi at huminga nang malalim bago muling kumuha nang malaking enerhiya upang maipon sa aking katawan nang sa gayon ay as madali ko itong mapapalabas kung saka sakali man.   Humakbang ako paabante at pinantayan ang tindig nilang dalawa. Hindi ko maipagkakailang matakot mula sa presensya nila dahil nararamdaman at nakikita ko ang life force nilang sobrang lakas. Napansin kong may halong asul ang life force ni Neon na siyang ikinataka ko. Hindi ko man lamang ito napansin noong una.   Makapal at parehong matingkad ang kulay nang kanilang mga life force ngunit ayaw kong magpatalo dahil lamang sa nakikita kong lakas nang kanilang kapangyarihan. Sa halip ay mas ginanahan pa ako dahil sa wakas ay maeensayo ko na ang aking kapangyarihan nang mas maayos. Napansin kong nilabas ni Zeref ang kaniyang armas na kulay itim. Ngayon ko lamang ito nakita dahil may pagkakurba ang talim nito. Purong itim lang talim niya ngunit may mga dyamante naman ito sa kaniyang hawakan.   Inilabas ko rin ang aking armas na mula pa kay Sir Prithious noong monthly assessment ko. Ngayon ay nakasanayan ko na itong gamitin at masasabi kong para nga ito sa mga nobleborns dahil sa ganda nito. Inilagay ko ang aking armas sa kanang kamay habang nagsimula ko namang tawagin ang enerhiya sa aking kaliwa. “Ready as I’ll ever be.”   Pagkatapos kong sabihin ito ay pinalutang ko ang tipak nang lupa sa aking paanan kung saan pwede kong tapakan at pinalipad ito. Mas mapapadali ang aking pagmamasid kapag palutang-lutang ako sa ere. Nang ilang metro na ako sa sahig ay napansin kong unti unting bumuo si Zeref nang mga patusok na gawa sa tubig at pinalutang ito sa ere.   Nang mapansin kong papunta na ang mga ito sa gawi ko ay dali dali akong bumuo ang isang pader sa aking harapan upang hindi ako nito matamaan. Narinig ko ang mga pagsabog mula sa labas nang ginawa kong harang at halos mabitawan ko ang kontrol ko dito dahil sa lakas nang pwersa nang bawat isang patalim na gawa sa tubig. Nakita ko namang nagbago ang kulay nang balahibo ni Neon hudyat na gagamitin na niya ng kaniyang kapangyarihan.   Hinanda ko muli ang aking kapangyarihan at nang makita kong ginawa niya ang ginawa ni Zeref ay gumawa ako nang pader sa palibot ko at kinontrol ko ang tinatapakan ko upang mas umangat pa ito. Halos mabitawan ko ang aking kontrol dahil naramdaman ko ang mahika nilang dalawa mula sa labas.   “Madaya kayo!” Malakas na sigaw ko nang pagtulungan nila akong dalawa. Binitawan ko ang aking armas a kumuha nang enehiya sa aking kanang kamay upang gumawa nang mga palaso na gawa na sa lupa. Sinigurado kong matatalim ang mga ito at hahabulin nila ang dalawang taong pinapahirapan ako ngayon. Sabay sabay ko silang pinalipad at inatake ang dalawa sa ibaba habang nagiisip nang susunod na atae ko.   Pagkaraan nang ilang saglit ay naramdaman kong wala nang umaatake sa pader na ginawa ko kaya naman dahan dahan ko itong ibinaba at napansing busy silang iniiwasan ang mga palaso ko. Napangiti naman ako at muling gumawa nang mga panibago upang mas pahirapan sila. Naisip kong gumawa nang mga pader kung saan makukulong ko silang dalawa sa loob.   Ipinadyak ko ang aking kaliwang paa at mula doon ay pinadaloy ko ang aking kapangyarihan sa sahig kung saan unti unti itong yumanig. Nakita ko namang gumawa na rin nang tapakang gawa sa tubig si Zeref habang ginamit naman ni Neon ang kaniyang siyam na buntot upang makalipad. Pagkatapos noon ay dahan dahan kong iniangat ang mga lupa mula sa sahig. Hirap na hirap akong iangat ito at nakatuon lamang ang buong pokus ko sa paggawa nang plano kaya naman hindi ko naramandaman ang atake ni Neon mula sa aking likuran.   Nakaramdaman ako nang masakit na pagtama mula sa aking likod kaya naman hindi ko natuloy ang pagangat nang mga pader at dahan dahan naman akong nahulog muna sa tinatapakan ko. Dali dali ko namang tinawag ang aking kapangyarihan upang saluhin ako at doon ko lamangnapansin ang malaking alon na siyang papunta na rin sa gawi ko. Huli na ang lahat at natangay ako nang alon na sumakop sa buong kwarto. Naramdaman kong tumama ang aking tagiliran sa isang poste kaya naman hindi ko napigilan ang mapapikit sa sakit.   Nang mawala ang mga tubig ay napaupo lamang ako sa sahig at hinabol ang aking pahinga. Nakarinig naman ako nang yapak kaya dali dali kong iniangat ang aking paningin at nang makitang nagsisimula nang umatake si Zeref gamit ang kaniyang armas ay dali dali ko namang hinila ang aking armas at sinangga ang kaniyang atake habang nakaupo. Iwinasiwas niya ang kaniyang armas pahalang at napahakbang naman ako patalikod. Sinimulan kong muli ang magipon nang enerhiya sa aking katawan upang hindi ako mahirapan kapag dalawa na sila ni Neon ang kalaban ko.   Mas binilisan ni Zeref ang pagatake kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang tumalonpagilid upang iwasan ang sunod sunod nang atake. Gumawa ako nang bola na gawa sa lupa mula sa kaniyang likod nang hindi niya nalalaman at habang sinasangga ko ang kaniyang mga atake ay pinalipad ko ito papunta sa kaniya tsaka ako tumalon patalikod.   Nakita kong nailagan niya ito ngunit hindi ko na ito pinansin dahil mas importante ang mabantayn ko silang dalawa kaya naman gumawa muli ako nang tapakan at pinalutang ito. Muli kong sinimulan ang plano kong naudlot kanina at ngayon ay hindi ko na hinayaang ibaba ang aking bantay. Gumawa ako nang shield na pabilog at mula sa loob ay inimagine ko ang struktura nang sahig. Ipinadyak ko ang aking kaliwang paa at pinaangat ang pader. Naramdaman kong yumanig ang lupa at halos maubusan ako nang hininga dahil pakiramdaman ko ay napakaraming bato ang aking buhay buhat.   Nang magawa ko ay halos mapaupo ako sa ginawa kong takapan at naramdaman ko pa nang mawalan ito nang balanse mabuti na lamang at nakontrol ko itong muli at dahan dahang pinalutang pababa. Inalis ko na ang harang ko at nang makita ang mga matatayog na pader na halos kasing taas na nang kisame ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Mukhang kahit papaano ay unti unti ko nang natutunan ang aking kapangyarihan. Hindi ko hinayaang magsaya ako sa matagal na panahon at sinimulang hanapin ang dalawang kalaban ko.   Hindi ko hinayaang lumutang ang sarili ko dahil mas madali nila akong mahahanap sa ganoong lagay. Naramdaman ko ang pagod kaya naman hinayaan ko munang bitawan ang hawak ko sa elemento nang lupa. Nakahinga ako nang maluwang nang mabitawan ko ang aking kapangyarihan. Inilabas ko ang aking armas at dahan dahang naglakad mula sa ginawa kong maze. Sobrang taihimik nang paligid at lagi kong inililibot ang aking paningin upang magmasid.   Pagkaraan nang ilang sandali ay wala pa rin akong nakit akaya naman binuksan kong muli ang aking kapangyarihan at humila nang kaonti upang makita ang kanilang life force.  Nakailang liko liko pa ako bago ko makita ang dalawang life force na kanina ko pa hinahanap. Dali dali kong pinalibot ang lupa sa aking katawan upang gumawa nang harang na magmumukhang pader nang sa gayon ay hindi nila ako napansin.   Ilang sandali pa ay napansin kong ilang metro na lamang ang layo nila mula sa akin. Napangiti ako dahil sa planong nabuo mula sa aking isipan. Tahimik akong naghintay at nang makatapak na sila sa tapat nang pinagtataguan ko ay dali dali kong pinakalat ang aking kapangyarihan sa sahig upang hawakan ang kanilang mga paa nang hindi sila makaalis. Pagkatapos ay dali dali akong gumawa nang mga palaso na gawa muli sa lupa at pinalipad ito papunta sa kanila.   Nagkaroon nang maraming usok kaya naman napangiti ako dahil mukhang naging matagumpay ang ginawa ko. Pagkaraan nang ilang sandali ay nagulat na lamang ako nang makaramdam ako nang  hangin na nabubuo sa loob mismo nang ginawa kong harang kaya wala akong nagawa kung hindi ang ibaba ito. Pagkababa ay nakita ko si Neon na nakaangat sa lupa at umiilaw ang kaniyang mga mata. Hindi ko mapigilan ang mamangha dahil pakiramdamn ko ay pareho kami nang paraan nang pagilaw nito.   Hindi ko napansin ang tubig na mula sa aking likuran kaya naman napasigaw na lamang ako nang tamaan ako nito at halos tangayin ako nang agos. Nabitawan ko ang control sa mga pader na nagawa ko at pati na rin ang life force na hawak ko. Pagkatapos noon ay napahiga na lamang ako sa sahig dahil sa sakit nang aking katawan at pagod mula sa paggamit nang aking kapangyarihan. Narinig kong lumapit sa akin si Zeref ngunit wala na akong lakas upang bumangon kaya naman tinignan ko lamang siya habang naghahabol nang hininga. Katabi niya si Neon at nakita kong naghahabol din sila pareho nang kanilang hininga ibig sabihin ay kahit papaano may naging laban ako.   “Congratulations for controlling the element of earth. You can now be called as Stonewald and a Graycot for mastering both plants and earth elements.” Wika ni Neon sa aking isipan at kahit nanghihina ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Ibig sabihin ay dahan dahan ko nan gang nacocontrol ang aking kapangyarihan. At ito na ata ang pinakamagandang balita ngayong araw na ito. Magsasalita pa dapat si Zeref ngunit hindi ko na nakayanan at nagpalamon na lamang ako sa kadiliman. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD