CHAPTER 26

2253 Words
Kinaumagahan ay maaga akong nagising at sinabi ko kay Mor na magpapahangin lamang ako at hindi na ako kailangang sundan dahil malapit lamang ang aking pupuntahan. Iniwan ko siya roon at kasama niya si Zeref kung kaya’t dali dali akong umakyat nang bundok nah along ilang metro lamang ang layo mula sa aming bahay.   Habang naglalakbay ay ninanamnam ko ang simoy nang hangin sa siyang araw araw kong nararamdaman sa tuwing aakyat ako sa bundok na ito. Dala ko rin ang armas na ibinigay sa akin ni Sir Prithious, ang kulay silver ang kabuoan nito at may linya linyang pakubro sa mismong patalim na kulay ginto. Napansin kong kumikinang rin ang tatlong dyamante sa may hilt nito. Napangiti ako sa ganda nang aking armas at muli itong itinago upang hindi ko ito mawala.   Pagkarating sa tuktok ng bundok ay dali dali kong binuksan ang aking hawak sa kapangyarihan ko at dinama ang life force ng kagubatang nakapalibot dito. Napapikit ako sa lakas na taglay nang aking nasagap at napasinghap ako nang hangin sa lamig nang simoy na siyang nagbibigay nang maraming alaala sa akin. Tuwing ganito ay kasama ko ang aking ama na nageensayo, una naming ginagawa ay ang tumakbo pataas nang bundok, isa iyon sa parte nang kanyang pageensayo.   Ilang beses man akong matalisod at madapa ay dali dali naman akong bumabangon at muling tatakbo upang ituloy ang pageensayo. Pakiramdam ko ay ganoon rin ang ginawa ko sa sitwasyong mayroon ako ngayon, hindi man ako tanggap nang karamihan dahil sa klase nang pamumuhay na kinabibilangan ko ay handa naman akong tumayo at bumangon muli upang ipagpatuloiy ang laban.   Sinubukan ko pang mas palawakin ang sakop nang aking kapangyarihan upang mas malaman ko kung hanggang saan ang hanggangan nang aking pagkontrol. Naalala ko pa ang payo sa akin ni ama noon patungkol sa kapangyarihan, “kailangan mong ibigay ang iyong lakas at doon mo malalaman kung hanggang saan ang kaya mo”. Napangiti ako dahil tumatak talaga sa akin lahat ng turo sa akin nang aking ama.   Huminga ako nang malalim at dahan dahang ikinalat ang aking kapangyarihan. Pagkatapos nang ilang sandal ay naramdaman ko na ang life force ni Zeref, kulay asul ito na makapal at matingkad, ngunit hindi kasing kapal at kasing tingkad ni Reyna Sabrina, ibig lamang sabihin nito ay halos umabot na sa paanan nang bundok ang aking kapangyarihan. Naging mas mabigat na ang aking paghinga dahil sa parami nang parami ang mga life force na nahihigop nang aking kapangyarihan, pinagpapaiwsan na rin ako nang malamig at masakit na sa pakiramdam ang kanina lamang ay nakakaginhawa.   Huminga muli ako nang malalim at itinigil ang pagkalat nang aking kapangyarihan ngunit hawak ko pa rin ang malawak na sakop nito. Kailangan kong masanay sa mga ganito kabibigat na life force dahil alam kong mas marami at mas malakas ang mga tao sa Kapitolyo at kung nagkataong sa Pedrimont ko ito ginawa ay nasisiguro kong nawalan na ako nang control sa simula pa lamang .   Nais kong pagigihan ang aking control sa aking kapangyarihan upang mas mapabuti ko ang aking tungkulin bilang isang reyna. Nang makaramdaman ako nang pagkangalay ay unti unti ko nang binitawan ang aking hawak at napaupo sa damuhan. Tagatak ang aking pawis kahit napakalamig naman rito sa tuktok nang bundok.   Pagkatapos nang ilang sandal ay inilabas ko ang armas at ihinagis ko sa isang dummy na nakasabit sap uno at sakto naman itong natusok sa pulang pintura. Napangiti ako dahil hindi pa rin kumukupas ang aking pagbato ng mga armas. Isa sa mga bagay na paborito kong gawin habang nageensayo ay ang paghagis ng mga kutsilyo at dagger.   Sa mga sumunod na sandali ay puro hagis lamang ako ng armas na ibinigay sa akin ni Sir Prithious. Sinasanay ko ang aking kamay sa gaan at material nang armas, dahil nasanay ako sa mabibigat na armas ay masyadong mabigat ang aking paghagis kung kaya’t napapadiin ang pagkakabon sa puno ang aking dagger. Napahanga rin ako dahil sa gaan nang dagger na ito ay walang tunog ang maririnig kapag hinahagis bagay na makakatulong kapag nasa isang laban ka na.    Pagkatapos magensayo ay muli na akong naglakad pababa nang bundok. Dahan dahan lamang ako at muling ninamnam ang bawak Segundo dahil nasisiguro kong matagal na panahan muli bago ako makabalik sa bundok na ito. Nang makarating sa paanan ay nagulat pa ako dahil naroon si Zeref at mukhang hinihintay ang aking pagbaba.   “Anong ginagawa mo riyan?”   “Saan ka nanggaling?” Napakunot ang aking noo nang sagutin niya ang aking tanong nang isa pang tanong. Napansin ko ring parang nagiba ang tono ang kaniyang pananalita kung kaya’t napatitig ako sa kanya. May problema kaya?   “Naglakad lakad lamang ako upang magpahangin, bakit? May nangyari ba habang wala ako?”   Matagal na sandal pa bago siya sumagot, at pakiramdam ko ay mas bumaba pa sa normal na tono niya ang kaniyang pagsasalita ngayon.   “Wala naman, halika na. Kailangan mong kumain nang almusal.” Wika niya at tumalikod na tsaka naglakad paalis sa pwesto ko at papasok sa aming bahay. Nagsalubong naman ang aking kilay dahil sa kanyang ginawa. Anong meron doon? Dapat talaga natutulog siya paminsan minsan upang hindi masama ang kaniyang mood.   Napakibit balikat na lamang ako at sumunod na sa kaniya papasok sa loob nang bahay. Napansin kong nandoon na rin Hiro pagkapasok ko. Akala ko ba tanghali pa ito makakasama sa amin, e umaga palang. Mga lalaki talaga ang gulo kausap. Lumapit ako sa mesa dahil nandoon na sila, pati na rin si Zeref.   “O, akala ko ba tanghali ka pa sasama, bakit nandito ka na?” Salubong ko kay Hiro pagkaupong pagkaupo ko pa lamang. Nagulat pa ako nang makitang magkatabi sila ni Mor sa kabilang gilid nang mesa habang katabi ko naman si Zeref. Nasa magkabilang gilid naman si ina at Kiana.   “Nagbago isip ko e, tsaka bakit ba. Panira ka talaga nang kasiyahan.” Napakunot ang aking noo dahil sa kanyang sinabi. Hala, nagtanong lamang ako ngunit ganoon na kaagad ang kaniyang sinabi. Anong nakaksira nang kasiyahan doon?   “Nagtatanong lamang ako Hiro, ikaw kung ano-anong sinisingit mo sa usapan hindi naman dapat kasali.”   “BOOOOOOM!” malakas na wika ni Kiana na siyang tiwanan ni ina at ni Mor. Napailing naman ako dahil ang hilig talaga ni Kiana gumawa nang mga ganoong tunog kapag nagbabangayan kami ni Hiro. Madalas na nagiging bayangan ang simpleng usapan namin kung kaya’t hindi na ako nagtataka na ganoon na naman ang nangyari ngayon. Nagsimula na kaming kumain at isa na yata ito sa pinakamasyang umagahan naming dahil walang humpay ang aming tawanan sa bawat kwento at syempre, sa bawat bangayan namin ni Hiro. Hanggang ngayon ay hindi pa rin talag siya nananalo sa akin.   Pagkatapos noon ay dali dali na kaming nagbihis upang makapasyal kami sa buong baryo kahit hindi naman ito kaganda at kalakihan ay masaya pa rin akong malibot at maipakita kina Mor at Zeref ang baryong kinalakihan ko. Hindi man ito kasing rangya at kasing moderno nang Pedrimont, alam ko naming kahit papaano ay may magandang bahagi pa rin ang Cyore na tanging ang mga nakatira lamang dito ang nakakaalam.   Dala ang dalawang basket at iba pang mga kagamitan ay sabay sabay kaming naglakbay patungo sa isang waterfalls na siyang malapit sa aming tahanan. Ang daang ito ay sa kabilang bahagi na daang tinatahak ko paakyat sa tuktok nang bundok. Madalas kaming magtampisaw at maligo rito sa waterfalls na iyon noong bata ako dahil sa linis at ganda nito.   Medyo may kalayuan ang aming nilakbay ngunit hindi naman ito naging sagabal dahil naging maingay naman si Hiro at si Mor. Hindi naman umalis si Zeref sa aking tabi dahil sabi niya ay trabaho niyang bantayan ako kahit saan man ako magpunta. Hinayaan ko na lamang siya ngunit minsan ay naririnig ko rin ang kaniyang pagbungisngis sa mga pagpapatawa at bangayan nang dalawa.   “Kuya Zeref, hindi mo ba pwedeng ipakita ang mukha mo?” tanong ni Kiana na siyang nauuna nang ilang hakbang sa akin. Napatingin naman kami kay Zerf at hinihintay ang kaniyang sagot. Nakatigil kami sa isang gilid upang magpahinga kung kaya’t lahat ay narinig ang tanong ni Kiana sa kaniya.   Napailing naman si Zeref kung kaya’t napasimangot ang aking kapatid. “At bakit mo naman siya gustong makita?” tanong ko dahil maski ako ay gusto ko ring makita ang kaniyang mukha.   “Ate, hindi ka ba nagtataka kung ano ang itsura niya?”   “Sabi nila matanda raw siya e.” Mabilis na sagot ko na siyang ikinatawa naman nang malaks ni Mor. Napatingin kami sa kaniya dahil hindi talag siya matigil sa pagtawa. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? “Matanda ka raw Zeref.” Wika niya at muli nanamang tumawa kung kaya’t napailing ako nang aking ulo. Magkapareho nga sila ni Hiro, bigla bigla na lamang tumatawa kahit wala naming nakakatawa. Napatingin ako kay Hiro at napansin kong nakakunot din ang kaniyang noo, mukhang pati siya ay nawiwirduhan na kay Morgarette.   “Matanda ka pala Zeref, tara na nga at malapit nang magtanghali.”Nauna nang naglakad si Morn a akala ko ay alam ang kaniyang pupuntahan. Sinundan naman siya ni Hiro upang gabayan at ituro ang tamang daan papunta sa waterfalls. Sumunod naman kami sa kaniya at napatingin akong muli kay Zeref. Anong nakakatawa sa pagiging matanda? May pagkabastos talaga si Morgarette, alam nan gang matanda tinatawanan pa. Napailing na lamang ako at mas binilisan ang paglalakad.   Nang makarating kami doon ay napangiti ako  sa ganda nang tanawin. Hindi pa rin ito kumukupas, ganitong ganito pa rin ang itsura nito mula sa aking alaala. Kaonti lamang ang pumupunta rito dahil tago ang parteng ito. May dalawang waterfalls ang kilala sa aming baryo ngunit para sa amin ay ito ang pinakamaganda sa lahat. Madalas ay tinatawag pa naming itong pagaari naming dahil kami lamang ang madalas bumisita rito.   Inilapag namin ang mga blanket sa damuhan ilang metro ang layo mula sa mabatong parte sad ulo nang waterfalls. Rinig na rinig mula rito ang pagbagsak nang tubig mula sa itaas. Napakalamig rin ang simoy ng hangin kung kaya’t napakapresko ito sa pakiramdam. Nakaupo kami ni ina sa may blanket at inaayos naman ni Mor ang mga pagkain sa iababaw nang blanket. Ginawa pala nilang dalawa ni ina ang mga ito nang umakyat ako sa tuktok nang bundok.   Karamihan sa mga pagkain na ito ay ang mga paborito ko at mayroon ding mga paborito ni Kiana. Mukhang para sa amin ni Kiana ang mga ito. Napangiti naman ako doon at napayakap kay ina. Napatawa naman ako ng bahagya dahil mukhang nagulat ko siya sa aking ginawa.   “O para saan ito Ki anak?”   “Salamat po ina.” Mahinang wika ko. Nais ko lamang magpasalamat nang sobrang sobra sa kaniya dahil sa lahat nang mga bagay na ibinigay niya sa akin at sa aking mga kapatid. Hindi man kami ganoong pinagpala sa klase nang aming pamumuhay ay sobra sobrang pagmamahal naman ang ibinigay nang mga diyos sa amin dahil sa aking mga magulang. Nagulat naman ako nang marinig ko ang pagsingjot nang aking ina kung kaya’t napalayo ako at napatingin sa kaniya. Napansin kong mamasa masa ang kaniyang mga mata.   “Ina bakit naman po kayo naiiyak?” Nakangiting tanong ko sakaniya. Pinunasan niya ang kaniyang luha at napasinghot muli, napatawa lamang ako at binigyan siya nang pamunas na tinanggap naman niya.   “Nagpapasalamat din ako sa lahat nang diyos anak, dahil naging anak kita, naging anak ko kayo. Napakaswerte ko.” Napayakap akong muli sa aking ina dahil maski ako ay nagpakaswerte sa kaniya.   “Ay bakit kayo lamang ang nagyayakapan diyan?” Napatawa naman ako sa sinabi ni Kiana nang mapansin kong ilang hakbang lamang siya mula sa amin. Ibinuka ko ang aking mga kamay at dali dali naman siyang sumali sa yakapan naming.   “Ang cute niyo.” Wika ni Mor at nagpunas punas pa kunyari nang kaniyang mata. Napairap naman ako sa kaniya at napatawa naman siya. Napansin kong nakatayo lamang si Zeref sa isang gilid at nakatingin sa amin.   “O tama na iyan, kailangan na nating magtampisaw sa tubig at maligo. Minsan lamang ito mangyari kaya sulitin na natin.” Napatingin naman kaming lahat kay Hiro at dali dali namang tumakbo si Kiana at tumalon sa tubig. Napasigaw naman si Hiro at tumalon na rin. Napatawa naman kami at dali dali na ring tumakbo upang magtampisaw sa malamig na tubig. Tawa at harutan lamang ang maririnig sa buong paligid at puro ngiti naman ang nakikita ko sa bawat mukha. Hindi ko mapagkakailang isa ito sa mga araw na masaya kaming lahat at hindi ko nais na matapos ito. Patuloy lamang kami sa pagharutan at halos makainom na kami nang tubig dahil sa aming pagtawa. Hindi ko alam kung kailan ang huling beses na tumawa ako nang ganito kasama ang mga mahal ko sa buhay at ang mga taong handang tumulong sa akin ano mang oras.    Napakasaya sa pakiramdam ang makitang masaya at nakangiti ang iyong mga mahal sa buhay. Isa sa mga nais ko lamang mangyari ay ang maihinto na sa pagtratrabaho ang aking ina pati na rin ang aking kapatid at magpokus na lamang sila sa ibang mga bagay. Hindi ko naman aakaling sa pagiging reyna ko pala sila maiaalis sa pamumuhay na ito ngunit ayaw ko namang mapasama sila sa mga gulo nan gaming kaharian. Gagawin ko ang lahat upang mailayo sila sa kapahamakan kahit pa ang kapalit noon ay ang pagkalayo namin sa isa’t isa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD