“Tell me all of it, I’ll be waiting in the throne room.” Hindi kami nakagalaw lahat ng halos ilang minuto matapos makaalis nina Reyna Sabrina at Deity Naruu. Pakiramdam ko ay maggunaw na ang muno sa kaseryosohan ng ekspresyon ng dalawa at handa silang sirain ang kahit anong makita nila. Tsaka lamang bmalik sa usto ang aking paghinga ng wala na akong maramdamang presenysa nila. Dali dali akong napaupo sa aking upuan at naghabol ng hininga dahil hindi ko namalayang pinipigilan ko pala ito. “Ngayon ko lamang naramdaan ang galit nina Reyna Sabrina at Deity Naruu, hindi ko na ulit gustong maranasan ito.” Narinig kong mahinang sabi ni Mor at hindi ko napigilan ang mapasang-ayon sa kaniya. Hindi na kataka-takang sila ang pinakamakapangyarihang nilalang dito sa silid dahil sa tono pa lamang

