Nakakailang hakbang pa lamang ako ng bumalik ako sa aking silid upang kumuha ng lampara dahil hindi ko makita ang daan sa sobrang dilim. Ng makuha ko na ito ay dali dali akong bumalik at nagmadaling bumaba. Tulad noong unang punta ko rito ay madumi ito at puno ng alikabok. Halatang hindi napupuntahan sa loob ng maraming taon. Nagsimula akong tahakin ang landas patungo sa kung saan. Naalala kong sobrang haba at makipot ang daan sa mga susunod na parte ng secret passage na ito. Napatingin ako sa aking kaliwa ng mapansin ang mga larawan na nakaukit dito. Hindi ko napansin ito noong una marahil dahil sa kaba at kuryosidad kong makapunta sa kaduluduluhan nito. Pinagmasdan ko itong mabuti at kaparehong kapareho nito ang mga nakaguhit sa mga tapiserya sa aking silid. Napakunot ang aking noo

