Pagkatapos naming magensayo ni Sir Prithious sa aming weaponry and magic subject ay dali dali na akong nagtungo sa throne room upang makilala ko ang babaeng tutulong sa akin sa pagplaplano nang aking koronasyon. Sabi ni Reyna Sabrina ay mas mainam na ako mismo ang gumawa nito nang sa gayon ay alam ko kung anong gagawin kung sakali mang maghahanda ako nang selebrasyon sa palasyo.
Napatinin ako kay Zeref at naalala kong hind inga pala kami nakaensayo kaninang madaling araw dahil napasobra ang aking tulog. Anong oras na rin kasi nang bumalik ako mula sa lugar kung saan ko nakilala si Zitti. Sa tingin ko ay naiintindihan niya naman iyon kaya kailangan ko na lamang siyang kausapin upang ipagpatuloy naming ang aming ensayo mamayang gabi.
Hindi ko pa rin nakakausap si Neon kung saan kami pupwedeng magensayo damit ang aking kapangyarihan nang walang makakakita at kung saan pwede si Zeref. Kailangan ko na ring paghusayan ang aking paggamit nang mahika dahil malapit na tinakdang araw kung saan makukuha ko ang trono mula kay Reyna Sabrina. Hindi ko man ito gusto ngunit ngayon ay naisip kong may maitutulong naman ako sa mga kababayan ko kapag naging reyna ako kaya naman todo pursigi ako.
Nang dumating na kami sa throne room ay nakita ko ang isang babaeng sobrang ikli nang kaniyang tsokolateng buhok at biningkinitan ang kaniyang katawan. Hindi rin siya ganoon katangkad at kaputi ngunit maganda siya sa paningin ko. Lumapit ako sa kaniya at dali dali naman siyang yumuko nang makitang papalapit ako. Nginitian ko lamang siya at nakahinga naman siya nang maluwag dahil doon. Pakiramdam ko ay magkakaedad lamang kaming tatlo nila Mor kaya naman natutuwa ako dahil isa sa mga magtuturo at tutulong sa akin ay hindi nalalayo sa edad ko.
“Good day, Your Highness.”
“Good day, uhm, what is your name?” Nagulat pa siya nang marinig niya ang aking sinabi. Napatawa naman nang mahina si Mor dahil sa reaksyon at hindi ko namang maiwasan ang mangiti.
“Forgive me, Your Grace. It was just shocking to hear you speak our language in just a short period of time.” Nakayukong wika niya at nakita kong nanginginig ang kaniyang mga kamay kaya naman ay hinawakan ko ito at nginitian siya.
“No offense taken, so you are?” Tumikhim siya at dali dali ko namang binitawan ang kaniyang kamay. Yumuko siya na halos sumayad ang kaniyang ulo sa sahig dahil baba nito. Napatingin ako kay Mor at tinanguan niya lamang ako kaya naman hinayaan ko na lamang. “Evangeline, Your Grace. You can call me Eva.”
“Nice to meet you, Eva. I am Khione, this is Morgarette my Head of the Bedchamber, and Zeref my Imperial Guard.” Sabay naman na yumuko ang dalawang kong kaibigan upang bigyan siya nang pansin kaya naman yumuko siyang muli. Nginitian siya ni Mor at napansin kong mas guminhawa ang kaniyang pakiramdam. Mukhang magkakasundo rin ang dalawang ito.
“Your Highness, I would like to ask where you want to formally do this planning segment?”
“The garden will do.” Ngumiti siya at nagsimulang maglakad, sumunod naman kami upang masimuluan na namin ang pagplaplano. Sabay kaming naglalakad ni Eva habang ang dalawa kong kaibigan ay nasa likuran ko. Ramdam ko naman ang tingin ni Zeref sa akin na para bang pinapahiwatig niyang binabantayan niya ako kahit nakatalikod ako sa kaniya. Ipinagsawalang bahala ko na lamang ito at tumingin kay Eva.
“So, Eva, I would like to know the processes that we will do throughout the entire duration.”
“Oh yes yes, of course Your Highness. The first part is the schematic planning where we talk about all the things you want to have or do in your coronation night. The next would be the synthesis which would be done by me, and I would discuss that to you after some time. Then the preparation itself for the coronation.”
Napatango tango naman ako sa kaniyang sinabi. Mukhang mahaba nga ang gagawing pagplaplano para sa koronasyon ko kahit na isang gabi lang naman ito. Nang makarating kami sa hardin ay umupo kami sa damuhan dahil mas gusto kong maramdaman ang mga halaman kaysa ang umupo sa mamahaling upuan. Nakatayo lamang naman sina Mor at Zeref ilang metro mula sa amin at pinagmamasdan lamang kaming dalawa.
“Your Highness, I would like to ask how you want your coronation night would be?” Napaisip naman ako sa kaniyang sinabi. Kung tutuusin naman ay wala akong alam sa mga ganitong bagay dahil ito ang unang beses na gagawin ko ito. Hindi rin naman nabiyayaan ang pamilya ko kaya naman wala talaga akong ideya sa pagplaplano.
“I think I would like to have star-themed coronation?” Nakita ko naman nang lumiwanag ang kaniyang mga mata sa aking sinabi. Mali ba ang sinabi ko? Babawiin ko na sana ang sinabi ko nang makita ko ang malawak na ngiti sa kaniyang mukha kaya napahinga ako nang malalim.
“That is a wonderful concept, You Grace. Stars and moon?”
“Yes, stars and moon please.” Napangiti ako. Lagi kong inaabangan ang pagliwanag nang mga buwan kapag gabi dahil pakiramdam ko ay kasama ko sila kahit pa malayo sila. Dalawa ang buwan sa mundo namin at ang isa ay mas malaki sa isa. Puting puti ang kulay nang pinakamaliit habang ang malaki naman ay may pagkadilaw. Simula bata pa ako ay namamangha na ako sa maliit na buwan at pakiramdam ko ay lagi ako nitong binabantayan.
Ipinagpatuloy pa namin ni Eva ang paguusap at tinutulungan niya naman akong isipin ang mga kinalalabasan nang mga sinasabi ko. Isa sa mga bagay na dapat kong matutunan ay ang pakikibagay dahil hindi lamang para sa akin ang magaganap kung hindi ay para sa buong Auxthen at ayaw ko namang magmukhang mahina sa harapan nang iba pang mga kaharian na dadalo.
Kinakabahan ako nang mabanggit niya na dadalo ang ibang mga hari at reyna mula sa iba’t ibang kaharian upang saksihan ang pagpapalit nang reyna. Hindi ko alam kung magiging handa ba talaga ako sa buhay na ganito dahil una sa lahat ay hindi ako lumaki na ang pokus ko ay magiging reyna hindi katulad nang mga Ladies in Waiting.
Pagkatapos noon ay dali dali na kaming bumalik sa loob nang palasyo. Naglalakad kami papalapit sa throne room nang marinig ko ang pagtawag sa aking pangalan. Napatingin naman ang mga guwardiya sa buong lugar dahil siguro sa hindi pagtawag sa akin bilang isang reyna. Napapihit ako nang aking paningin at nakita ko si Hiro na naglalakad palapit sa akin at hindi ko mapigilan ang umirap. Kakausap palang naming noong kailan ay nandito na naman siya. Mukhang kaunti lamang ang ginagawa niyang trabaho sa machinery team ng Auxthen.
“At ano namang mukha iyan?” Wika niya nang may ilang metro pa ang layo mula sa akin kaya naman muli siyang tinignan nang mga guwardiya sa buong palapag na iyon.
“Hiro, galangin mo naman si Reyna Khione.” Sabi ni Mor at sinesenyasan pa niya ito gamit ang kaniyang nguso at mata. Dali dali naman akong napailing dahil sa nasaksihan ko. Hindi nga pala nila ako pwedeng tawagin sa pangalan ko lamang kapag nasa pampubliko kaming lugar.
Dali dali naman yumuko si Hiro nang maalala niya ang mga dapat na gawin niya sa harapan ko. “Pasensya na Mahal na Reyna, nais ko lamang bisitahin kyaong mga kaibigan ko kung maaari sana.”
Tinanguan ko naman siya at napatayo siya nang tuwid. Iginiya kami ni Mor sa isang silid malapit sa throne room at pagpasok doon ay napansin ko ang isang malaki at malawak na sofa. Tatlo ito at mayroon namang isang mesa sa gitna kung saan may nakalagay na mga tasa at takure. Mukhang dito talaga dinadala ang mga bisita.
“Ano bang ginagawa mo rito?” Tanong ko kay Hiro at umupo sa isang sofa. Si Mor ang nagsarado nang pinto upang bigyan kami nang pribadong lugar. Si Zeref ay nasa likuran ko at nagmamasid kay Hiro.
“Ano pa ng aba? Edi binibisita ka, ngayon na nga lang tayo ulit nagsama e.”
“Hiro, marami kasi akong ginagawa kaya hindi ako makapunta sa lugar mo. At isa, hindi rin ako papayagan ni Reyna Sabrina na lumabas nang palasyo.”
“Kaya nga ako nandito, ako na bibisita s aiyo, sa inyo.” Napairap na lamang ako dahil sa katigasan nang ulo niya. Hindi ko maintindihan kung bakit halos araw arawin niya ang pagbisita gayong pareho naman kaming walang oras. “Kailangan ko nang magpahinga Hiro.”
Napaseryoso naman siya nang mukha dahil sa sinabi ko at napansin niya siguro ang pagod mula sa aking mukha kaya naman tumango na lamang siya at tumayo. Tumayo na rin ako at lumapit sa kaniya upang kahit papaano ay hindi niya maramdamang tinutulak ko siya palayo at talagang pagod lamang ako sa mga nangyayari sa araw araw.
“Bibisitahin kita sa susunod, sa hardin tayo magkita nang mga ganitong oras.”
“Para saan naman?” Nangunot ang aking noo dahil sa kuryosidad. Ano na naman kaya ang trip nitong lalaking ito at sinabi na ngang maraming ginagawa e pinipilit pa rin makipagkita.
“Basta, may ipapakita ako s aiyo. Sumipot ka ha.” Inirapan ko lamang siya sa kaniyang pagiging demanding at tumango na lamang. Natawa naman siya sa aking ekspresyon at ginulo ang aking buhok kaya naman nakaramdam siya nang dalawang hampas sa kaniyang braso mula sa amin ni Mor.
“Sinabi ko na sayong huwag mong galawin ang buhok ni Khione. Ang hirap kaya gawin niyan.” Malakas na sabi ni Mor habang dinuduro si Hiro at hindi ko mapigilan ang matawa.
“Aray ko naman Morgarette. Pakiramdaman ko ikaw ang isang bersyon nitong si Khione, sadista kayo pareho.” Wika ni Hiro habang hinahawakan ang parte kung saan tumama ang pangalawang hampas ni Mor sa kaniya.
Nagsimula na kaming maglakad at tulad nang dati ay pinagmasdan muna namin si Hiro na umalis nang palasyo bago kami dumiretso sa aking silid. Natuwa naman ako nang makitang may ginawang chocolate mousse para sa akin si Mor. Pakiramdam ko ay handa na akong magensayo kasama sina Neon at Zeref pagkatapos kong kainin ang matamis na pagkain.