Zeref’s POV “I have to tell you something” Wika ko habang seryosong nakatitig sa babaeng nagpapatibok ng puso ko. Sobra sobra ang kabang aking nararamdaman ngayon ngunit alam kong kailangan kong maging totoo sa kaniya. Ngayon na ang tamang panahon para sabihin at hindi ko alam kung bibigyan pa ba ako ng isa pang pagkakataon upang sabihin sa kaniya ang sirekto kong ito. Napahinga ako ng malalim at Hinintay ang kaniyang sagot. Nakita kong unti unting nawala ang magandang ngiti sa kaniyang labi na laging nagpapagaan sa kung ano mang nararamdaman ko at hindi ko maiwasan ang mapalunok dahil matapos ang sandaling ito, dalawa lamang ang magiging kakalabasan ng lahat. Huminga ako ng malalim at tumingin sa kamay kong hawak hawak ng kaniya bago napangiti ng mapait. Unti unti kong ibinalik ang aki

