Nagising ako sa masamang panaginip at napansing kong nakahiga ako sa kama ko. May nakita akong mga taong nakasuot nang kulay kahel na roba at may mga hawak na halaman. Napansin ko rin si Reyna Sabrina na nakaupo sa aking mahabang upuan sa gilid nang aking kwarto. Napahawak ako sa aking ulo dahil kumirot ito nang subukan kong bumangon. Ano bang nangyari at bakit nandito sila sa aking silid?
Hinanap nang mata ko si Mor upang magtanong at humingi sana nang inumin ngunit si Zereef ang unang nakakita sa akin at lumapit siya agad. Halata sa kilos niiya ang pagmamadali at pagaalala kaya naman halos mapakunot ang aking noo. Nang makalapit siya ay hindi siya nagsalita kaya naman nagtanong na lamang ako.
“Anong nangyari?” hindi ko alam kung ilang oras ba akong nakatulog kaya namamaos ang aking boses mabuti na lamang at inabutan ako ni Zeref nang isang basong tubig at ininom ko naman ito.
“Mahal na Reyna.” Wika nang isang matandang nakasuot nang kahel na roba at bandana sa kaniyang buhok. Dahil sa sinabi niya ay napatingin sa gawi ko ang lahat at dali dali silang nagsilapitan. Halos kumirot muli ang aking ulo dahil sa ingay at dami nang tao kaya naman napapikit ako.
HInawakan ako ni Mors a isang kamay at nang mapatingin ako sa kaniya ay napansin ko ang kaniyang namumulang mga mata at namamagang ilong. Napakunot ang aking noo dahil sa aking nakita kaya naman ay nagtanong akong muli. “Anong nangyari?”
Katahimikan ang namayani pagkatapos kong bitawan ang mga katagang iyon. Pakiramdam ko ay may nangyaring hindi maganda at ayaw nila iyong paalam sa akin. Tinignan ko sila isa isa at hinintay ang kanilang sasabihin ngunit nang madako ang aking tingin kay Reyna Sabrina ay napabuntong hhininga na lamang siya tsaka siya mas lumapit pa sa kinalalagyan ko.
“Khione dear, did you forgot what happened?”
“Ano pong nangyari Reyna Sabrina?” Nagkatinginan si Reyna Sabrina, Deity Naruu, at ang matandang nakakahel na roba. Napansin ko ring napaiyak muli si Mor at hinawakan naman siya sa balikat ni Zeref. Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari. Napapikit ako at sinubukang alalahanin ang mga nangyari kanina ngunit kahit anong isip ko ay wala akong maalala.
Napabuntong hininga ako at napahawak sa aking ulo nang kumirot ito. Nagulat naman ako nang hawakan ni Zeref ang aking kamay at tinulungan akong humigang muli. Hindi na ako umangal dahil pakiramdam ko ay wala na akong lakas upang magsalita. Naglakad palapit si Reyna Sabrina sa nakakulay kahel na roba kasama si Deity Naruu.
“It is one of the side effects, Your Majesty.” Wika nang nakakahel na roba na hula ko ay isang naturalist dahil sa kulay nang kaniyang suot. Napansin kong napabuntong hininga si Reyna Sabrina kaya naman nasisiguro kong malala nga ang nangyari. Napatingin ako kay Zeref upang magtanong ngunit hindi siya nagsalita at para bang ayaw nilang ipaalam sa akin ang totoong nangyari. May kinalaman bai to sa akin kaya ayaw nilang malaman ko ito?
“Continue to treat her Head Healer. Until she has fully recovered, the palace would be locked up. No one is allowed to go in and out of the castle without my permission.”
Yumuko ang mga tao at nagsimula namang maglakad palapit sa akin si Reyna Sabrina. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay at nakaramdaman ako nang malamig na dumaloy sa aking katawan. Halos mapapikit ako sa ginhawang dulot nito kaya naman napakapit ako nang mas mahigpit sa kamay nang reyna. Pagkatapos nang ilang saglit ay nawala rin ito ngunit kahit papaano ay hindi na ako kasing hina katulad kanina.
Bignigyan ako nang reyna nang mahika na siyang tutulong sa akin upang makaramdam nang ginhawa. Hindi man ito tuluyang nagagamot ang mga sugat ay nakakatulong pa rin ito kahit papaano. Isang bagay ito na ang mga mertron o ang mga taong may kapangyarihan nang tubig lamang ang nakakagawa.
“Rest dear Khione, you don’t have to worry about anything but yourself. Until you recovered, I promise to tell you what you needed to know.” Mahinang sabi niya sa akin at wala naman akong nagawa kung hindi ang sumunod sa nais ni Reyna Sabrina at tumango.
“Everyone out, the queen needs to rest to fully recover. Mor, Zeref and the two naturalists would only be allowed inside.”
“Yes, Your Majesty.” Sagot nang lahat bago sila yumuko at isa isang lumabas sa aking kwarto. Hindi naman umalis sa aking tabi sina Mor at Zeref na para bang takot silang iwan ako magisa. Hinawakan ko ang kamay ni Mor at nang mapatingin siya sa akin ay ngumiti ako sa kaniya. Naluha naman siya at hindi ko maiwasang mapatawa nang mahina.
Nang makalabas na ang lahat ay nginitian muna ako ni Deity Naruu at Queen Sabrina bago sila lumabas nang sabay at nagpahinga sa kanilang mga silid. Ang dalawang naturalist naman ay nagpatuloy na sa paggawa nang mga gamot na sa tingin ko ay makaktulong sa mas mabilis kong paggaling.
“Kamusta ang nararamdaman mo Mahal na Reyna?” Napagawi ang tingin ko kay Morn ang bigla siyang magtanong. Sumimangot ako dahil sa pagtawag niya sa akin nang mahal na reyna ngunit naalala kong hindi nga lang pala kaming tatlo ang nasa loob nang aking silid. Napabuntong hininga ako bago ako sumagot sa kaniya, napansin kong nakatingin din sa gawi ko si Zeref.
“Maayos naman na ako. Pakiramdam ko lamangg ay wala akong lakas upang bumangon o magsalita man lang. Ilang oras ba ako nakatulog?” Nagkatinginan naman silang dalawa at halos ilang minuto rin akong naghintay nang kanilang sagot. Mukhang hindi nila alam ang sasabihin dahil sa sinabi nang reyna kanina.
Narinig kong bumuntong hininga si Zeref kaya naman napatingin ako sa kaniya at hinintay ang kaniyang sasabihin. “It has been four days, Your Majesty.”
Napanganga ako dahil sa nalaman ko sa kaniya. Apat na araw na akong tulog? Ano bang nangyari sa akin at ganoon na lamang ako katagal na nakahiga dito sa kama na ito. Napailing ako at hindi na lamng inisip ang nakaraan upang hindi kumirot ang aking ulo. Pakiramdam ko ay marami akong nakalimutan ngunit hindi ko alam kung bakit.
“Magpahinga ka na Mahal na Reyna. Sisiguraduhin naming ligtas ka habang ikaw ay natutulog.” Napangiti naman ako sa sinabi ni Zeref dahil pakiramdam ko ay ligtas ako dahil sa kanila. Tumango ako at pumikit upang magpahinga.
Nagising ako sa isang mabato at madilim na lugar. Inilibot ko ang aking paningin ngunit dahil sa dilim ay wala akong makita. Hindi ko alam kung nasaan ako ngunit ayaw ko namang tumayo lamang dito kaya naman nagsimula akong malakad pahakbang, dahan dahan upang hindi ako matisod sa mga bato.
“May tao ba riyan?” Sigaw ko ngunit boses ko lamang ang narinig kaya naman wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang magpatuloy. Makalipas ang ilang minuto ay nakakita na ako nang ilaw. Maliit lamang ito ngunit nasisiguro kong isa itong apoy. Hindi ko maiwasan ang mapangiti at mas binilisan ang aking paglalakad nang sa gayon ay marating ko ito kaagad.
Lumabas ako sa isang lagusan at pagtingin ko sa aking likuran ay nakita kong nanggaling pala ako sa isang kweba. Kaya pala puro bato ang nadaanan ko kanina. Huminga ako nang malalim at inilibot ang aking paningin. Nasa isa akong mataas na patag.
Maraming mga bitwuin at makikita dito ang dalawang buwan nan gaming mundo, isang malaki na kulay dilaw ang kulay at isang maliit na kulay puti. Ang mga buwan na ito ang siyang nagsisilbing gabay ko tuwing umaakyat ako sa tukto nang bundok sa Cyore. Napangiti ako nang makita ang mga ito nang mas malapit.
Tumingin ako sa ibaba at napansin kong doon nanggagaling ang apoy na kanina lamang ay sinusundan ko. Tumingin ako sa paligid upang maghanap nang daan pababa at napangiti ako nang mapansin ang isang daan sa gilid nang kweba. Tinahak ko ito nang dahan dahan dahil may pagkamatarik ito.
Pagkarating sa ibaba ay halos mamangha ako sa ganda nang apoy. Kulay kahel ang nasa pinaka itaas nang apoy na siyang sinundan nang kulay pula. Pagkatapos nang kulay pula ay ang kulay bughaw. Sa pinakagitnang bahagi nang apoy ay kulay puti na kasing liit lamang nang bola.
Habang tumatagal ay mas naaakit ako sa kulay nang apoy at hindi ko namalayang humahakbang na pala ako palapit. Ang apoy lamang ang aking nakikita at habang papalapit ako ay nararamdaman ko na ang nakakapasong init na nagmumula rito.
Naramdamn kong piangpapawisan na ako dahil sa init kaya naman sinubukan kong itigil ang aking paglalakad ngunit nagulat na lamang ako nang hindi ko makontrol ang aking katawan. Nagsimula na akong matakot nang dalawang hakbang na lamang ay kakainin na ako nang buhay nang apoy.
Sigaw ako sigaw sa loob nang aking isipan at ilang beses kong sinubukan kontrolin ang aking katawan ngunit napasigaw na lamang ako sa hapdi nag awa nang sunog. Nilamon ako nang apoy at wala akong nagawa kung hindi ang sumigaw sa aking isipan.