KABANATA 35: NAKAUPO kaming tatlo sa may kusina kahit maghahating-gabi na, hindi pa rin kasi kami makatulog dahil sa nangyari kanina. May takot pa rin akong nararamdaman na baka maulit ang nangyari. Tatawagan ko sana si Zion para sabihin sa kanya ang nangyari, pero pinigilan ako nila Alice at Ruby. Baka raw biglang umuwi si Zion dahil sa nangyari sa akin at mas lalo itong mapahamak. Nag-ring ang phone ko at agad kong sinagot sa pag-aakalang si Zion ang tumawag. "Hello?" "Hello! Miss Maxine. Maaari na kayong magpahinga, wag na kayong mag-alala dahil magiging ligtas kayo ng kaibigan nyo. Nakabantay kami lagi sa inyo" boses iyon ng babae. "S-Salamat sa inyo. Pwede bang malaman kung ligtas rin si Zion?" "Sa oras na 'to, maayos at ligtas naman siya. Pero hindi namin pinaalam ang nangyari s

