KABANATA 1:
"MAXINE!" tawag sa akin ng classmate kong si Alice. Kumaway siya habang nakangiti sa akin, agad rin akong kumaway at ngumiti habang papalapit sa kanila ni Ruby na kasama niya ngayon. "Dalian mo na may gagawin pa tayo sa booth natin, mapapagalitan tayo ni President" ani ni Alice na tinutukoy ang class president namin.
"Bakit pa kasi hinintay nyo pa ako dito, dapat pumunta na kayo doon" sabi ko habang naglalakad.
"Buti nga hinintay ka namin, ayaw kasi namin na gumagawa kami habang ikaw wala" biro ni Ruby.
"Tamad lang talaga kayo" biro ko. Kami kasi ang pangalawang batch na magbabantay sa Photo booth na naka-assign sa course namin na BSBM. Anim sa isang batch, isa ang magiging photographer, isang magpi-print, isang ang casher at tatlo sa pag-aayos ng mga mga customer. Lahat ng mga classmate namin may kanya-kanya toka sa booth para kapag natapos kami pwede na namin rin ma-enjoy Foundation Day. Simula kasi kahapon nang magsimula ang Foundation Day, na magtatagal ng isang linggo. Marami kaming naging customer dahil kahit mga dating mga estudyante ay pwedeng pumunta.
"Maxine, mag-ayos kana. Para mapalitan mo na si Klare" bungad sa akin ni Miss President pagkapasok ko lang ng booth.
"Sige po" sagot ko at agad tinali ang buhok ko at inayos ang gamit ko ganun rin ang ginawa nila Ruby at Alice.
"Go! Max, kaya mo yan" sabi ni Alice. Tinataas baba ko ang kilay ko at ngumiti. Naupo na sila Ruby sa pwesto nila kung saan si Ruby ang talaga kuha ng bayad at si Alice naman ang taga-print ng picture.
"Hi! Klare" kaway ko sa kanya pagpasok ko sa kinaroronan niya.
"Buti naman may kapalit na ako, kanina pa tumatawag si Boyfie" ngisi niya at binigay sa akin ang camera. "Nagtext sa akin kanina pa daw s'ya dito" iling ni Klare.
"Sige na puntahan mo na, ako na bahala dito" tingin ko sa mga magkakaibigan na nag-aayos ng mga props nila.
"Thanks, Max" ngiti niya at naglakad na paalis.
"Are you ready, guys?" tanong ko. Kahit medyo nahihiya ako dahil hindi ako sanay na kumausap ng hindi ko naman kakilala pero kailangan kong gawin 'to.
"Yes po!" sabay-sabay nila at agad akong nagbilang para kuhaan sila. Anim na shot ang kinuha ko para may pagpipilian sila pagdating kay Alice.
NATAPOS na ang schedule namin nila Alice at Ruby sa booth kaya naggala muna kami sa campus na may iba't ibang booth na makikita. Dahil sa kalalakad namin, nagyaya si Ruby na kumain muna kami.
"Mag-restroom lang ako, Girls" paalam ko. "Kuhain nyo yung order ko ha?" paalala ko at naglakad na papunta sa may banyo. May mga nahuhuli para ikulong sa jail booth.
Umakyat na ako sa second floor at pumasok sa girls room. Nang lumabas ako nagkarinig ako ng may nagigitara kaya medyo nagdahan-dahan ako sa paglalakad.
"Please don't see just a boy caught up in dreams and fantasies
Please see me reaching out for someone I can't see
Take my hand let's see where we wake up tomorrow
Best laid plans sometimes are just a one night stand
I'd be damned Cupid's demanding back his arrow
So let's get drunk on our tears and"
"God, tell us the reason youth is wasted on the young
It's hunting season and the lambs are on the run
Searching for meaning
But are we all lost stars, trying to light up the dark?"
Napahinto ako sa paglalakad at umupo muna ako sa bakanteng upuan na inilabas sa room. May ilan-ilan rin mga estudyante na nandoon at nakikinig sa kung sino man ang kumakanta habang naggigitara.
"Who are we? Just a speck of dust within the galaxy?
Woe is me, if we're not careful turns into reality
Don't you dare let our best memories bring you sorrow
Yesterday I saw a lion kiss a deer
Turn the page maybe we'll find a brand new ending
Where we're dancing in our tears and"
"God, tell us the reason youth is wasted on the young
It's hunting season and the lambs are on the run
Searching for meaning
But are we all lost stars, trying to light up the dark?"
Isa ang Lost Stars na kinanta ni Adam Levine ng Maroon 5 ang paborito kong kanta. Hindi ko alam sa mga oras na yun, kung bakit bigla na lang akong umupo at nakinig sa pagkanta niya. Hindi ko man makita ang kumakanta dahil nahihiya rin ako na sumilip.
"I thought I saw you out there crying
I thought I heard you call my name
I thought I heard you out there crying
Just the same
God, give us the reason youth is wasted on the young
It's hunting season and this lamb is on the run
Searching for meaning
But are we all lost stars, trying to light up the dark?"
Nang matapos siyang kumanta nagpasya na akong bumaba at bumalik kung nasaan sila Alice at Ruby. Umiiwas pa rin ako sa mga nakikita kong nahuhuli para sa Jail Booth at sa Marriage Booth na kapag nahuli ka pwede kang makasal sa taong hindi mo kilala.
"Hey!" istorbo ko sa kwentuhan ng dalawa.
"Ang tagal mo naman, yung totoo naglabas ka ng sama ng loob no?" sabi ni Alice.
"Hindi, marami lang tao" pagsisinungaling ko. Ayoko naman sabihin na, umupo ako doon dahil nakarinig ako ng magandang boses at pakingan ko hanggang matapos siyang kumanta.
"Kumain na tayo, kanina pa 'to" sabi ni Ruby at kumain na nga kami. Nang matapos kaming kumain, nagpahinga muna kami doon.
"Well, alam kong marami nang nag-aabang sa susunod na magpe-perform. Marami na naman kikiligin na kababaihan dito, Partner"
"Tama ka dyan, Partner. Friend ko 'to sa f*******: at marami siyang mga cover ng kanta" sabi ng host.
"Tara, manood tayo kakanta na daw si Shawn" tayo ni Alice at nagmamadaling naglakad papunta sa court. Ganun rin ang mga iba pang mga estudyante, lalo na ang mga babae. Nang makarating kami sa stagecna malapit lang naman sa kinaroroonan namin kanina, napatingin ako sa lalaking may hawak ng gitara sa may hagdan ng stage.
"Malakas na sigawan at palakpan kay Shawn Bautista!" sabi ng host ng event ng mga estudyante rin sa Campus. Naglakad yung lalaking may hawak ng gitara sa taas ng stage at malaking ngiti sa kanyang labi.
"Good Morning po" bati niya habang inaayos ang mic para magpantay sa bibig niya. "Ang kakantahin ko po ay With a Smile by Eraserheads" sabi niya at nagsimula nang maggitara. Marami na agad ang nahihiyawan kahit gitara pa lang ang ginagawa niya at marami na rin tao sa may court para manuod.
"Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try."
'S'ya yung kumakanta sa taas kanina' sabi ko sa isip ko habang nakatingin sa mukha niya habang kumakanta. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niya at hindi pakingan ang maganda niyang boses habang kumakanta. 'Parang nakita ko na s'ya?, hindi ko alam kung saan?'
"Baby, you don't have to worry
'Coz there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
And they don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway."
Matipid siyang ngumiti at kumanta uli habang pamisan-minsan ay pumipikit.
"Girl I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life.
In a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go round
But dont let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song.
Let me hear you sing it"
Tumingin siya sa mga audience at ngumiti. Habang nagsabay sabay naman ang mga itong kumanta. "Too doo doo..." Nang matapos siyang kanta nag-ingay ang mga audience. "I-SA PA!, I-SA PA!" sabi ng mga ito. Ngumiti lang siya at bumaba na ng stage pagkatapos magpasalamat. Habang nasa gilid pa siya ng stage hindi mawala ang tingin ko sa kanya habang nakikipag-usap siya sa taong lumalapit sa kanya at may ilan rin nagpapa-picture.
"Ang galing talagang kumanta ni Shawn no?" sabi ni Alice na halatang kinikilig. "Ang sarap pakingan ng boses n'ya"
"Oo nga eh!" sang ayon naman ni Ruby na nakatingin rin sa gawi ng lalaking mukhang kilalang-kilala nila. Samantala ako ngayon ko lang siya nakita o narinig kumanta.
"Kilala nyo s'ya? Paano?"
"Hindi mo s'ya kilala?. Si Shawn Bautista, sikat yan na singer dito sa campus. Lagi nga yang kumakanta kapag may event dito, ngayon mo lang s'ya nakita nag-perform?" tanong ni Alice sa akin.
Tumango ako. "Hindi naman ako pumupunta ng mga ganitong event last year, wala pa akong close classmate noon, katulad nyo ngayon. Pero ang ganda ng boses n'ya no?"
"Boses lang" sabi naman ni Ruby.
"Gwapo naman s'ya kapag pumuti" sabi ni Alice. Napatingin ako kay Shawn Bautista na nakikipag-usap sa kanina niya pa kasamang lalaki na sa tingin ko kaibigan niya. Mureno ang kulay ni Shawn, manipis ang labi at matangos ang ilong. Tamang takad at katawan para sa lalaki, pero maganda ang ngiti niya lalo na kapag labas ang ngipin katulad nang umakyat siya ng stage at malakas ang s*x appeal niya.
"Okey naman s'ya" sabi ko at nakita ko ang tingin sa akin ng sabay ng dalawa. "I mean, malakas ang appeal niya. Tara na nga, magtingin-tingin uli tayo ng mga booth. Punta tayo doon sa Marriage booth" aya ko. Baka ano pa kasing masabi ko maging issue na naman sa dalawang katabi ko.
--
===Elainah M.E===
...
Lost Stars by Adam Levine (Maroon 5)
With a Smile by Eraserheads