KABANATA 19

1556 Words
KABANATA 19: PAPASOK na kami sa Resto Bar kung saan gaganapin ang Concert for a Cause. Kasabay namin ang ilang classmate ko dahil nagkita muna kami sa school bago pumunta sa Swifties Resto Bar kung saan halos picture ni Taylor Swift ang naka-display. Umupo kami malapit sa stage dahil iyon daw ang pina-reserved ni Zion, pinagdikit na rin namin ng classmate ko ang lamesa namin para magkakasama pa rin kami. Malaki ang lugar kaya siguradong maraming ang pupunta. "Bibili lang ako ng iinumin natin" tayo ni Zion pero hinawakan ko ang braso niya. "Sasama ka?" tingin niya sa mga kasama namin habang nakangiti, napatingin naman ako sa mga ito na may ngiti sa mga mukha habang nakatingin sa amin. "Hindi" tanggal ko sa kamay ko sa kanya. "Wag kang bibili ng may alak, okey?" "Yes, madam" sagot niya. "May pabibili kayo?" tanong niya sa mga kasama namin. "Kami na lang ang bibili, sunduin mo na lang ang madam mo" may pang-aasar na sabi ni Ruby habang nakangiti sa akin. Napailing na lang ako at naglakad naman paalis si Zion. "Nagkakamabutihan na ba kayo?" "Anong sinasabi mo?. Magkaibigan lang kami" tumingin ako sa ibang kasama namin. Kahit kailan talaga 'tong si Ruby hindi mapigilan ang bunganga. "Magkaibigan lang sila, Ruby. Wag ka nang issue d'yan" pagtatanggol ni Alice sa akin. Tinignan niya ng masama si Ruby at nang-peace sign naman ito. "Friends lang talaga kayo? Mukha kasi kayong may relasyon baka naman tinatago nyo?" sabi ni Eunice. "Walang kami, okey?. Wag na kayong ma-issue d'yan, mamaya may makarinig sa atin. Alam mo naman mga tao ngayon" sabi ko na lang at tumango lang si Eunice. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nag-iba na sila ng topic. Ilang minuto na ang nakalipas wala pa rin si Zion, kaya napalingon-lingon ako sa paligid para hanapin siya. Nakapag-order ang mga kasama namin pero wala pa siya. "Nasaan na ba ang taong 'yun?" "May kasamang iba" bulong ni Alice sa akin at ngumuso na parang may tinuturo. Tinginan ko naman ang tinuro niya at nakita ko si Zion na katabi si Lucy habang kasama ng mga ito ang ilan sa kaklase niya. "Hahayaan mo lang ba? Mukhang nag-iinuman sila, hindi pa nga nag-uumpisa ang event" "Hayaan mo s'ya malaki na s'ya" sabi ko na lang kahit medyo nakakasama ng loob na kinalimutan niya ako. "Oorder lang ako" Tumayo ako para makapag-order sa counter dahil marami nang tao medyo masikip na ang nadadaanan ko. Sa resto bar kasing 'yun kailangan mo munang mag-order sa counter nila at magbayad tapos sila na ang magdadala sa lamesa mo. "Good evening, Ma'am. Ano pong order nila?" nakangiti sabi ng lalaki. "Isang Swifties beef nachos, Swifties Fries and Iced Tea, yun lang" ngiti ko. "Swifties beef nachos, Swifties Fries and Iced Tea. Four hundred pesos po, Ma'am" sabi nito. Inabot ko ang limang daang piso at sinuklian niya ako ng isang daan at kinuha niya ang numero ng lamesa ko. "Hintayin nyo na lang po, salamat po" tumango lang ako at ngumiti. Naglakad na ako pabalik sa upuan namin ng umurong na upuan sa harapan ko kaya napaatras ako at may naapakan ako. "Sorry" sabi ko at ng lumingon ako nakita ko si Jiron na nakangiti. "Hi! Beautiful" sabi niya. "Nandito ka rin pala" "Oo niyaya ako ni Zion" sagot ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "Nasaan na siya?" "Nasa lamesa na siguro namin, sige balik na ko doon... Sino nga pala ang kasama mo?" "Kaibigan ko si Shawn, kaso kakanta siya d'yan kaya baka si Britney tyka yung ilang close friends niya" tumango naman ako. "Pwede ba akong pumunta sa inyo kung mag-out of place ako doon?" "Okey lang naman, may upuan naman doon. Hindi kasi nakasama yung boyfriend ni Ruby dahil may work. Number two ang upuan namin, sige baka dumating na 'yung inorder ko. Bye!" kaway ko at tumango lang siya. Nang umupo ako sa upuan namin sakto naman pagdating ng order ko. May nagsisimula na rin banda sa stage kaya maingay na sa loob. "Ang tagal mo naman?" malakas na pagkakasabi ni Alice pero lang ang makakarinig. "Nakita ko kasi si Jiron, kaibigan niya pala si Shawn" malakas rin na pagkakasabi ko. Nilapit ni Ruby ang mukha niya sa amin at nagsalita. "Wow! Talaga? Ang liit talaga ng mundo mo" biro niya, nakikinig pala sa amin. "Ito, shot ka. Nag-order ako ng Empi Lights" "Hindi ako umiinom" sabi ko. "Uubusin lang natin yan isa, hindi tayo malalasing n'ya... Ilan tayo oh! Sige na" sabi ni Ruby at inabot sa akin ang shot glass. "Shot na, shot na!" Nag-ingay naman ang mga kasama namin at ang ilang tao napatingin sa amin. Napalunok naman ako at kinuha ang shot glass na medyong puno ang laman. Nilapit ko na sa bibig ko at napalayo ako ng konti dahil sa amoy. Pero may biglang umagaw sa baso sa likod ko at ng lumingon ako nakita ko si Jiron na nilagok ang inumin. Ngumiti siya at nakatingin sa akin. "Sorry" "Bakit mo ininom?" sabi ni Ruby. "Mukha kasing ayaw niya. Ganito na lang, lahat ng para kay Maxine ako ang iinom" ngiti uli nito. "Sige!" sabay-sabay ng mga kasama namin. Nagkatinginan kaming tatlo nila Alice at Ruby. "Dito ka sa tabi ko, bawal ka dyan sa tabi ni Maxine" tapik ni Ruby sa upuan na katabi niya na katapat ng upuan ni Zion na hanggang ngayon wala pa rin. Sumunod naman si Jiron dito at naupo sa tabi nito. Sumipsip na lang ako ng inorder kong iced tea at kumain ng nachos. Napatingin ako sa gawi ng mga kasama ni Zion masaya ito nakikipagtawanan sa mga kasama niya. LAHAT kami natatawa sa mga kayabangan ni Jiron pero hindi naman masakit sa tenga dahil halata naman biro lang ang mga sinasabi niya. "Sila Shawn na pala" turo ni Jiron sa stage. "Go! Bestfriend!" sigaw nito na kinatawa namin. Nakita ko naman ngumiti si Shawn at tinuro siya. "Thanks, Bud" sabi nito sa mic. "Magandang gabi sa lahat, maraming salamat sa pagpunta nyo. Kami po ang Middle Class. Sana magustuhan nyo ang aming mga hinandang kanta" sabi niya at nagsimula ng maggitara. Tinuon ko naman ang pansin ko kay Shawn habang nasa stage siya at nagigitara. Naka-puting t-shirt siya at jeans na nagpalakas ng charisma niya. May humarang sa harapan ko at nakita ko si Zion. Agad kong tinanggal ang tingin ko sa kanya at medyo umusog para makatingin uli sa stage. Umupo siya sa kaninang upuan niya pero hindi ko siya nilingon, bigla na lang sumama ang loob ko sa kanya kaya mas mabuti pang hindi ko muna siya pansinin. Nakatingin ako sa may stage pero nakikiramdam ako sa gagawin ni Zion. "Last shot para kay Maxine" taas ni Ruby. "Nag-iinom ka?" tanong ni Zion pero kinuha ni Jiron ang shot glass. "Wag kang mag-alala ako ang sumalo ng sa kanya, diba Maxine?" ngiti ni Jiron. Nakita ko naman ang masama tingin ni Zion sa kanya. "Wag mo siyang titignan ng ganyan" bulong ko kay Zion at agad napatingin kay Jiron. "Thanks" sabi ko sa kanya at tumango naman siya. "Hoy! Panuorin mo na yung bestfriend mo" turo ko sa stage na kinatawa niya. "Go! Bestfriend!" sigaw uli nito na kinailing ko habang nakangiti. Supportive. Tumingin ako sa stage at narinig ko ang sinabi ni Alice. "Akala ko ba ibibili mo si Max, bakit doon ka pumunta?" may kumirot sa dibdib ko sa narinig ko. Hindi ako lumingon at nakatingin lang sa mukha ni Shawn. Pero bakit ganun, hindi na umiipekto sa akin ang boses niya na nagpapangiti at nagpapakalma sa akin noon. "Sorry, Ganda. Bigla kasi akong tinawag ng classmate ko at natagalan ako. Sandali lang , bibili lang ako para--" nakita kong nagmamadali siyang tumayo. "Wag na!. Kumain na ako" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya huminga ako ng malalim at tumingin sa kanya. "Ayos lang ako" nakita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya. Natangis panga ko at napakagat ako ng labi ko dahil sa inis na nararamdam ko ng mga oras na 'yun. Nang matapos ang banda nila Shawn, humarap na ako sa mga kasama pero hindi ko pa rin pinapansin si Zion na alam kong nakatingin sa akin. "Zion!" nilingon ko ang tumawag sa kanya. Si Lucy at may kasama pa 'tong kaklase nila. "Pre, tara! Bigla kang tumakas" hila nito kay Zion. "Let's go, Zion. Minsan lang naman magkakasama ang mga classmate mo" sabi ni Lucy. Tinignan ko si Zion na nakatingin sa akin. "Sumama kana sa kanila, tama s'ya minsan mo lang makakasama ang kaibigan at kaklase mo" "Paano ka?" "Kaya ko sarili ko, sige na" tumingin ako sa kaklase niyang lalaki. "Dalhin mo na yan doon" ngiti ko kahit masama ang loob ko sa mga oras na 'yun. Gusto ko nasa tabi ko lang si Zion pero alam ko naman na bawal ko siyang ipagdamot. Nagpahila lang si Zion habang nakatingin sa akin at nginitian ko lang siya. "Bro!. Bakit nandito ka?" nasa likod ko na pala si Shawn. Kaya ng palinga ako nakita ko ang ngiti niya at pagtingin sa akin. "Hi!" ngumiti lang ako dahil napansin niya ako. Pero bakit wala na 'yung kilig?. ===Elainah ME===
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD