KABANATA 7:
MABILIS lumipas ang mga araw at sa tuwing nakikita ko si Shawn mas napapatunayan ko sa sarili ko na nagkakagusto na pala ako sa kanya. Madalas ko rin siyang napapanaginipan habang ang f*******: account niya ay aking tinitignan at hindi ko siya magawang i-add dahil nahihiya ako. Hindi ko rin masabi-sabi kanila Alice at Ruby lalong-lalo kay Zion ang nararadaman ko para kay Shawn.
"Alice, penge akong pulbo" sabi ni Ruby na agad naman binigay ni Alice ang pulbo dito. Nakaupo kami ngayon sa may kubo dahil may program na ginaganap sa court, Architecture's day. Nagtingin-tingin na rin kaming tatlo sa mga design ng mga bahay at buildings na mga gawa ng mga architecture students. Isa na doon ang gawa ni Zion at ganun rin si shawn pero dahil hindi napagod kami sa paglilibot, umupo na muna kami.
"Kakanta na si Shawn" rinig ko at narinig rin yun ni Alice at Ruby.
"Tara punta tayo" aya ni Alice at nauna nang maglakad sa amin. Tulad nang laging nangyayari, marami nang mga estudyante sa may court para panuorin si Shawn. Hindi na kami pumunta pa sa may court, lumabas lang kami ng kubo at naupo sa isang may bench. May hawak si Shawn na gitara habang nakaupo at nagsimula nang maggitara.
"San darating ang mga salita
Na nanggagaling sa aming dalawa
Kung lumisan ka, wag naman sana
Ika'y kumapit na, nang di makawala
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw"
"Wag mag-alala kung nahihirapan ka
Halika na, sumama ka
Pagmasdan ang mga tala
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Mundo'y magiging ikaw"
"Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw"
Nakapikit si Shawn habang kumakanta at hindi ko maalis mga tingin ko sa mukha niya.
"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo
Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo.
Sa pagbalik, mananatili na sa piling mo"
"Limutin na ang mundo
Nang magkasama tayo
Sunod sa bawat galaw
Hindi na maliligaw
Mundo'y magiging ikaw"
Nagpalakpalakan ang mga tao at umalis na si Shawn sa stage. Tumayo na kami para bumalik sa may kubo ng makita ko si Zion na nakatingin sa akin. Nginitian ko siya pero nakatingin lang siya sa akin at tumingin sa kung saan. Nang sundan ko ang tinitignan niya nakita ko na nakatingin siya kay Shawn. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko nang tumingin siya sa akin. Alam na kaya niya?.
"Zion" bangit ko sa pangalan niya habang papalapit sa akin. Sobrang kinakabahan ako habang papalapit siya habang seryoso ang mukha niya. Nang nasa harapan ko na siya, bigla siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko. "Ang panget mo, Ganda" sabi niya at ngumiti.
"Ang peke ng ngiti mo, Zion" sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Ngumiti lang siya habang nakatingin sa kung saan. "May problema ka ba?"
"Wala 'to." ngiti pa rin niya. "Samahan mo ako sa ginawa kong design ng bahay, picture tayong dalawa" akbay niya sa akin at naglakad dahil malaki siyang tao napalakad na rin ako. Nang makarating kami sa design ng bahay na ginawa niya. Nilabas niya ang cellphone niya at nag-picture kami. "Maganda ba ang ginawa ko?"
"Oo, maganda. Gusto ko ng ganyan bahay, yung may glass wall tapos maganda yung view sa labas. Maganda kapag dagat o kaya naman mga halaman... Malalaking puno o may mga bulaklak. Garden, tama" nag-iimagine ako habang si Zion naman nakatingin lang sa akin at nakangiti. Yung ngiti alam kong totoo hindi katulad kanina.
"Sige, gagawin ko yan sa bahay mo" sabi niya.
"Sige, ha?. Ikaw ang Architect ko ha?. Pero mukhang matagal na ipuanan pa yan ganyan kagandang bahay" turo ko sa gawa niya. "Tapos may maliit na play ground dito para kapag naglaro yung mga anak natin" tingin ko sa kanya at nakita ko ang paglaki ng mata niya. "Ang ibig kong sabihin yung anak mo, at anak ko. Syempre gusto kong maging magkaibigan rin ang mga anak natin no?" ngiti ko at tumingin uli sa bahay na gawa niya.
"Kung anong gusto mo, Ganda para sa mga anak natin" tumingin ako sa kanya na sobrang ngiting-ngiti habang may kinang sa mga mata niya na hindi ko alam kung ano yun.
"Zion!" parehas kaming napatingin sa tumawag sa kanya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng makita ko si Shawn, ngumiti siya sa akin at tumingin siya kay Zion. "Tawag ka daw ni Sir" sabi nito at tinuro ang kinaroroonan ng professor nila.
"Sandali lang, Ganda ha?" sabi niya at tumango naman ako. Tumingin ako sa design ng bahay na gawa ni Zion at hindi ko pa rin humihinto sa sobrang bilis sa pagtibok ng puso ko. Nararadaman ko pa rin ang presensya ni Shawn na malapit sa akin habang may kinakausap siya.
"Dito na ko, Bro!" sabi ng kausap niya at tumakbo ito. Tumingin ako sa kanya at hindi ko akalain na nakatingin rin pala siya sa akin. Ngumiti siya at matipid rin ako na ngumiti habang nararadaman ang pisngi ko na nag-iinit. Tinago ko rin ang kamay ko na medyo nanginginig dahil sa kaba. 'Ano ba 'tong pakiramdam na 'to?! '
"Shawn!" malakas na sigaw ni Zion na ikinalingon namin at ang iba pang mga estudyante doon. Napakamot si Shawn at naglakad ito papunta kay Zion. Nakahinga na ako at naglakad na ako papunta sa may kubo kung nasaan sila Alice.
"MAGKASAMA sila Zion at Shawn oh?" turo ni Alice kaya napatingin ako. Nagkasalubong ang mata namin ni Shawn at nakatingin kong ngumiti siya ng mag-"hi" si Alice sa kanya. Hindi ko alam kung bakit napangiti rin ako at napaiwas ng tingin. Nang tumingin uli ako sa kanya papalapit na sila sa amin, napansin ko na tahimik lang si Zion at masama ang tingin sa akin na biglang umiwas.
"Problema mo?" tanong ko ng makalapit sila pero hindi niya ako pinansin kaya hindi ko na lang rin siya pinansin. Nasa malapit lang si Shawn ayoko naman na maging eksena kami ni Zion kung tatanungin ko siya ng tatanungin.
"Tara na, Shawn" aya ni Zion at nauna nang naglakad kay Shawn. Hindi man lang niya ako pinansin o kinibo man lang. Anong ginawa ko sa taong yun?.
"Problema ninyong dalawa?" tanong ni Ruby na mukhang napansin rin ang hindi pagpansin sa akin ni Shawn. Nagkibit-balikat na lang ako at napatingin kay Zion na malayo na sa amin. "Baka nagtatampo, hindi mo yata binate kahapon" sabi ni Ruby.
"Ano bang meron kahapon?"
"Ayoko nang maging kaibigan 'to. Hindi alam birthday ng bestfriend niya" sabi ni Alice. "Nagtext pa nga siya na pumunta sa birthday party n'ya bukas, hindi ka ba nagtext?"
Umiling ako. "Hindi" sabi ko at napasimangot ako. "Bakit kayo tinext ako hindi? Ang sama ng ugali n'ya ha?"
"Ikaw nga kinalimutan mo birthday ng bestfriend mo" sabi naman ni Ruby.
"Bakit hindi nyo sa akin sinabi?"
"Kasi akala namin alam mo, akala nga namin may suprise ka. Ikaw pala ang masusuprise ngayon?" sabi ni Ruby. "Puntahan mo na, kausapin mo"
Tumango naman ako at naglakad papunta sa building ng BSA Building. Bawat room na madadaanan ko, hinahanap ko si Zion. Nakita ko si Shawn at nagdadalawang isip ako kung magtatanong ba ako sa kanya. Huminga ako ng malalim dahil iba na naman ang t***k ng puso ko.
"Excuse me! Diba ikaw kasama yung ni Zion kanina? Nasaan s'ya?" tanong ko na medyo kinakabahan pa rin.
"Nasa third floor s'ya, 301" sagot niya.
"Salamat" ngiti ko at ngumiti rin siya. Nilagpasan ko na si Shawn at umakyat na ako ng hagdan papuntang third floor.
Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng 301, sumilip ako sa paoblong na salamin ng pinto at nakita ko si Zion na nakaupo sa desk ng upuan habang nakaupo at nakatalikod. Binuksan ko ang pinto at nagkita ko si Lucy. Nakatingin rin siya sa akin at ngumiti, lumapit siya kay Zion at hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "Babe, yung bestfriend mo" nguso niya sa akin. 'Babe?!. Sila ng dalawa?'.
"S-Sorry" sabi ko at sinara ang pinto. Mabilis akong bumaba ng hagdan at nakita ko si Shawn na lumabas sa isang room ng first floor.
"Nakita mo si Zion?" tanong niya at lumapit siya sa akin ng konte.
"Oo, salamat uli!" ngiti ko.
"Maxine!" rinig kong tawag ni Zion sa akin. Nilingon ko siya at nasa likod niya si Lucy na nakangiti habang nakatingin sa akin. "Bakit ka nandito?"
"Aah! May itatanong lang sana ako sa'yo, kaso mukhang busy ka. Tyka na lang. Alis na ako" ngiti ko at naglakad na ako.
Nang malayo na ako sa building nila naramdaman kong may sumusunod sa akin at nang lumingon ako nandoon si Zion. "Ganda..." huminga ako ng malalim at humarap sa kanya.
"Belated happy birthday, Zion. Sorry, kung hindi ko nakalimutan ko. Yun lang naman yung pinunta ko doon, bumalik kana kay Lucy" sabi ko at naglakad uli palayo. Hindi ko alam kung bakit sumasakit ang dibdib ko at naramdaman ko na lang ang luha sa mga mata ko. 'Ano ba 'to?'
--
===Elainah ME===
Song:
Mundo by IV of spades