KABANATA 37: TUMUTULO na naman ang luha sa mga pisngi habang nakatingin sa daan kung sa may ilang mga estudyante na masasayang naglalakad habang nagtatawanan. Naalala ko rin ang mga araw kung gaano kami kasaya ni Zion habang naglalakad sa daan na 'yon. Napatigil ako ng makita ko si Zion na nakatingin sa akin habang nakangiti. Naririnig ko na naman ang bilis ng t***k ng puso ko habang nakatingin sa kanya na papalapit sa akin. "A-Anong ginagawa mo dito?" "Sinusundo ka" "Ha?. Anong nakain mo at kailangan mo akong sunduin?. Bakit mo ako sinundo?" "Nabalitaan ko kasi na may insektong umaaligid sa'yo" tinignan ko siya ng masama. "Si Jiron Kim, pumunta siya sa school at kinausap ka pa niya" "Ano naman? Tyka saan mo naman nalaman 'yan?" "Sa source ko" "Sa source o kanila Ruby?" tanong ko

