3 found

1467 Words
Zoey "Crisha wag na man, di ko kaya mag-isa dito sa salon." Reklamo ko sa kaibigan kong bakla na gustong mag bakasyon ng isang buwan bago daw sya sumabak sa gulo na ginawa ko. "Daiz nandyan si Susie, Maria and John. Di kanila pababayaan. Bigyan mo lang ako ng one month Daiz baka mabaliw ako sa gagawin natin sa mga susunod na bwan." Napabuntong hininga ako. Alam ko naman na sobra-sobra ang hiniling ko sa kanya at dahil mahal na mahal ako ng bakla na to di nya ako matatanggihan. "Daiz ok lang yan, kaya mo namang pamahalaan ang salon mag-isa talagang takot ka lang mag-isa. However di ka naman talaga totally mag-isa. Kasi nga kasama mo naman ang mga kaibigan natin." "oo na, sige na nga, basta babalik ka agad ha? baka takasan mo na ko nyan. My life is in your mercy daiz kaya please lang wag mo ko ilalaglag." "Grabe ka naman ano tingin mo sakin. Kinaya ko nga ang kabaliwan mo simula noon, ngayon pa ba ako susuko." Niyakap ako ni Crisha bago tuluyan ng umalis papunta sa so called bakasyon nya. Ng sumunod na mga araw talagang ginugol ko sa pagaasikaso ng parlor naron ng kahit ang simpleng pagwawalis ay ginawa ko na. Kabado kasi ako na baka di na bumalik pa yong bakla na yon at magtanan na. Malapit pa naman na ang birthday ni lola at kaylangan ko talagang magpakita kundi malalagot ako at syempre kasama si Crisha. Nakilala na sya nila lolo kaya di sya pwedeng mawala. Di ko rin naman hahayaan na apihin pa rin ako ng mga kamaganak ko lalo na ng mga pinsan ko. Kaya sa ayaw at gusto ni Crisha sasamahan nya ko. "Kailangan ko nga pala bumili ng dress na gagamitin ko sa araw na yon." Nagmamadaling kinausap nya ang mga trabahante at si Susie. Isa sa pinagkakatiwalaan nya sa salon. "Susie, nga pala magpapaalam ako. Kayo na muna bahala dito. Kayo na ang magsara may kaylangan pa kasi kong bilhin ngayon. Ikaw na rin ang magsirado ha?" Nagpasalamat sya matapos sila mag-usap. At dali-daling kumuha ng taxi para magpahatid sa mall. Pumasok ako sa isang sikat na brand ng mga damit though alam kong mahal dito. Meron na man na kong ipon kahit papano. Ayoko lang magmukhang basahan sa harap ng mga pinsan kong mayayabang. Siguraadong marami na naman silang masasabi pagnagka-salo salo na kami. Sinukat ko ang sleeveless dress with boat neckline kulay light yellow na may design sa pinaka laylayan bagay sya sa mala krema kong balat, lalo tuloy akong pumuti. However, di pa rin ako ganon kasigurado. Kung saakin ay ok lang ang simpleng damit sa mga kamag-anak ko isa pa rin akong walang class na tao. "wow ate your so pretty po. Bagay na bagay po sayo." Napatingin ako sa babae sa likod ko na sa tingin ko ay teenager pa. Mahaba ang kulot na buhok nito at sobrang puti. Napaka gentle at sobrang cute na parang manika. Ngumiti ako. "You sure? I really need an advice di kasi ako maalam sa mga ganito. Mas mukha ka pa ngang magaling sa pag pili ng dress." Sabi ko sa dalagita. Di ako pala ngiti sa ibang tao at mailap din ako pero ewan ko ba... para kasi nakaka attract ang batang babae. Yong alam nyo yon parang nakaka tomboy. At parang may something sa kanya na familiar. Natawa na lang ako sa iniisip ko. "Naku ate di ka nagkakamali Elizabeth is the best when it comes to fashion." Napalingun ako sa isang kasama nong cute girl. Maiksi ang buhok nito, maganda rin naman. Pero di kasing ganda ng unang babae na ang pangalan daw ay Elizabeth. "Naku grabe ka naman maka compliment Rain, di naman. Pero ate sa tingin ko naman di ka mahihirapan maghanap ng bagay sayo. Your beautiful po kasi. Promise kahit ano suotin mo bagay sayo. Meron kasing iba na hirap bumagay pag naka dress na lalo na kong hindi sexy. haha... no offense sa iba pero may ganon talaga." Namula ako sa hiya, Bihira lang talaga kasi ako makarinig ng compliment galing sa iba. "ate baka naman, pwede makuha f*******k account mo haha... friends na po tayo." Natawa na lang ako sa babaeng maiksi ang hair. Mukha itong bibong bata at di mahiyahin di gaya ng isa pa nilang kasama sa pinaka likod nila na di man lang nagsalita. Nakasalamin ito pero labas na labas ang ganda. Nagpalitan kami ng f********k account. Mukha kasi di ito titigil hanggat di ko binibigay ang gusto nila. Nagmamadali pa naman ako. At dahil natutuwa ako sa dalagita nagpalitan din kami number. Sabi nya daw kasi if ever my tanong daw ako ukol sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa pagaayus tawagin ko lang daw sya. ******* Voughn "Kuya please hatid mo muna ko. Naghihintay na mga friends ko sa mall. Marami kaming bibilhin na materials para sa project namin." My sister showing her puppy eyes on me alam nya kasing di ko sya matatanggihan pag nagpapa cute na sya. "Tsk, baka naman bulakbol lang ang gagawin mo ha. Sasayangin mo lang ang oras ko." Biro ko. "Kuya naman eh, good girl kaya ko. At isa pa alam kong kahit anong importanting metting pa yang pupuntahan mo, uunahin mo naman ako kaya tara na please." Napalingo lingo ako at nauna ng maglakad sa sasakyan ko. Elizabeth was just a first year college malaki ang agwat namin bali menopausal baby kasi sya at dahil sya ang pinaka bata sa loob ng mansyon lumaking spoiled. Umabre siko ito saakin ng naabutan ako papuntang parking lot. "kuya sabi ni dad mag aasawa ka na daw?" I tilt my head and once again the girl pop up in my head. Damn it bakit ba halos araw-araw pumapasok sa isipan ko ang magandang mukha nya. Tangna yong nakakaakit nyang mukha, yong malambing na boses at yong amoy nya na nakakaadik. "Kuya... Hoy!" "Im planning yet not decided yet whose gonna be the bride." "Kuya nababaliw ka na ba. Marriage is not a game. Wag mong sabihin magpapakasal ka lang dahil sa business? Wala ka bang ibang babaeng nagugustuhan ngayon? Matapos nong last mo parang nag lie-low ka na. Nafall ka ba don?" I laugh, how can she think about that? "Are you kidding? No, of course not. But for business, I intend to wed her. But I don't love her. Trisha is a liar and a w***e. In addition, there is a girl got my attention this few weeks. But I never had the chance to get to know her." Thinking about the girl makes my heart beat faster. para talaga akong excited na bata na gusto uli matikman yong lolipop na naubos sa tindahan at walang magawa kundi ang maghintay. Im just exaggerated maybe this is because of my libido. "What do you mean? love at first sight? hahaha nababaliw ka na nga kuya. Ikaw? isang Voughn Maughan Santillan? mafafall? kuya tingin mo may maniniwala? kahit ang aso natin baka tumawa." "Grabe ka ha, kuya mo pa rin ako. Pero halata na ba?" Tanong ko sabay tawa ng malakas kasabay nito. "Ikaw kuya dami mong alam. Tara na nga. Pero sana ma get to know well mo na si ate girl. Kung sino man sya I guess kasing ganda sya ng anghel kasi ang mala Lucifer kong kuya pagdating sa chicks nakuha ang atensyon nya." Bakit parang gusto ko na rin magdasal na sana makita ko na uli ang anghel na yon? Hinatid ko na nga ang kapatid ko sa nasabing mall at agad naman nyang nakita ang mga kaibigan nito. Kaya binalak ko na umalis agad, kung hindi ko lang naaninagan ang isang pamilyar na pigura ng babaeng ilang lingo ko ng ipinapahanap. Pinaka titigan ko ito, baka kasi namamalikmata lamang ako at di ko na masiguro kung malinaw pa ang mata. Madalas ko kasi naiisip. Naka Trouser pants high waist sya na kulay brown fit blouse na puti lang ang pares pero napaka liwanag nya tingnan. "Kuya di mo man lang ba ko bibigyan ng extra money?" I shook my head. I concentrate baka kasi mawala ang babae. papasok ito ng mall. "kuya..." "You have your allowance Elizabeth, sobra-sobra yon. Diba sinabi ko sayo na pag-aralan mong magtipid." My sister roll her eyes. "Oo na ... Oo na... Bye kuya." Papasok na dapat ako sa mall para sundan ang babae. Ng may naisip akong paraan. Di ako dapat magpa dalos-dalos baka mamaya takbuhan lang ako ng babae. "Elizabeth in a second thought. I have a task for you. If you did it right, then I will pay whatever you buy today." Nanlaki ang mata ng kapatid ko sa gulat. Di ko ugaling mag tapon ng pera over nonesense pero gagawin ko ngayon para lang sa babaeng yon. Damn nababaliw na nga ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD