Ara's POV
Ang sakit ng ulo ko. Bakit ko ba kasi ininom yung inumin ni Mika tinamaan tuloy ako ng malala
-__-
Sarap naman yakapin ng unan na to. At ambango pa. Teka nga para naman hindi unan to eh.
Ah, hindi nga unan. Si Mika pala.
Si Mika.
Si Mika.
Si Mika.
Ara: WAAAAAH!
Mika: Ughh.
Ara: Sorry. Pero bakit magkatabi tayo matulog?
Mika: Ewan.
Tumayo na siya. Sumunod naman ako at nagtimpla ng kape. Pinagtimpla ko na din siya. Ano na ba nangyari kagabi?
Uminom ako
Sumayaw
Tapos may lalaki
Ayun!
Ara: Ye, salamat pala sa pagpigil dun sa lalaki kagabi ha.
Mika: Tss.
Cyd: Goodmorning Ara, Mika.
Ara: Goodmorning ate Cyd.
Cyd: Nagising ako kanina wala kayo sa sala. Sorry ha, bagsak kami kagabi di na tuloy kayo kumasya ni Mika sa kutson.
Ara: Okay lang ate, ano pala nangyari kagabi?
Cyd: Ang kulit mo kagabi baby Eruuh haha.
Ara: Luh ate ano ginawa ko?
Cyd: Sumakay ka sa motor ni Mika gusto mo sumama sa kanya eh.
Ara: Buti naman di ako nahulog. Hahaha.
Cyd: Sabi mo kasi "kapit ako maigi ate Cyd please. Kakapit ako hanggang kaya ko."
At ginaya pa ni ate boses ko, haha pero wait bakit parang may pinanghuhugutan ako?
Ara: Hahaha, hala ate kahiya.
Cyd: Hindi ko nga alam ano ginawa sayo ni Yeye eh. Umiiyak ka pagkababa mo ng motor niya.
Ara: Hala bat ako iiyak? Wala naman akong problema eh.
Cyd: Wala nga ba? Oh pinipilit mo lang na wala?
Natahimik ako sa sinabi ni ate Cyd.
Cyd: Mika ako na magluluto.
Mika: Ako na.
Wow, marunong pala to magluto.
Ara: Ye, ano lulutuin mo?
Mika: Fried Rice.
Ara: Siguraduhin mong masarap yan ha.
Mika: Tss.
Carol: Goodmorning guys. Ye, may gitara ba dito sa dorm niyo? Baka pwede mahiram.
Mika: Andun sa kwarto ko.
Ara: Marunong ka mag gitara?
Mika: I used to.
Carol: Thanks ye, mukhang matagal na to di nagalaw ah.
Ara: Ano gagawin mo Carol?
Carol: Haharanahin ko si Cams, gaya ng sabi ko kahapon :)
Cyd: Inlove na inlove ha.
Carol: Tinamaan eh :) Ara, pakigising si Cams pagdating ni Kim at Cienne. Pinakuha ko kasi sila ng bulaklak.
Ara: Sure Cars :)
Nag ayos na si Carol ng upuan at dumating na sila Wafs. Nag go signal na si Carol kaya't ginising ko na si Cams.
Carol: Goodmorning love. :) Flowers for you.
You by the light is the greatest find
In a world full of wrong you're the thing that's right
Finally made it through the lonely to the other side
You set it again, my heart's in motion
Every word feels like a shooting star
I'm at the edge of my emotions
Watching the shadows burning in the dark,
And I'm in love and I'm terrified.
For the first time and the last time
In my only life.
Carol: Gaya nga ng sabi ko sayo, haharanahin kita pagkagising na pagkagising mo :)
Cams: Thank you love!
Cienne: Hep hep tama na yan. Kain na tayo. Nagluto si Yeye.
Cams: Seryoso? Ano nakain mo Ye? It's been 2 years nung huli kang magluto ah.
Mika: Wala.
Cyd: Tara kain na mas masarap kainin yun habang maaga pa. Nagluto din si Ye ng galunggong.
Cams: Ye, ikaw ha :D
Mika:Tss.
Kumain na kami, namimiss ko na agad si Thomas. I checked my phone. Ni isang text wala. Ganun ba talaga siya kabusy?
Kim: Ara!
Ara: Wag ka sumigaw Wafs!
Kim: Kanina pa kita kinakausap eh.
Ara: Ano ba yun?
Kim: Labas kako tayo. Mall lang.
Ara: Pass ako Wafs. May gagawin pa ako eh.
Ang totoo niyan wala talaga akong gagawin. Gusto ko lang muna magpahinga. Kakamonthsary lang namin ni Thomas, tapos ganto agad.
Natapos na kami kumain at nagsabi akong mauuna na ko. Pagdating ko sa dorm ay natulog muna ako.
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko.
Baby Thom
Ara: Hello baby! I miss you!
Thomas: Hi baby, how's your day?
Ara: Nothing special Thom. Kamusta paper works mo?
Thomas: Okay naman. Matatapos na.
Ara: Okay, free ka ba ngayon?
Thomas: Uhhh no baby, napatawag lang ko to inform you na aalis ako next week, mag conduct kami research sa Norte.
Ara: Ah ganun ba, won't you spare a little time para makapag dinner tayo?
Thomas:I can't baby and I need to go. Bye.
Ara: I lo.....ve you....
Di ko pa natapos yung sasabihin ko binabaan niya na ako. Ughh nakakainis! 7 pm na pala. Makapunta nalang sa park.
Pumunta ako sa park. Naupo ako sa may swing gusto ko mag unwind. Di ko na alam ang dapat isipin. May mali ba akong ginawa? May nasabi ba akong mali? Bakit parang ang bilis naman niya lumayo? Arghh. Porket kami na hindi na siya mag eeffort? :(
Ara: Ay tae!
Nakakagulat naman to. May naglagay ba naman ng malamig na inumin sa may pisngi ko arghh.
"Inumin mo"
Ara: Ikaw pala yan Ye, salamat.
A moment of silence. Alam ko namang hindi siya usisera kaya hindi niya ako tinatanong.
Ara: Ye, sa tingin mo may nagawa akong masama? Feeling ko kasi lumalayo si Thomas sa kin. Feeling ko kakausapin niya lang ako pag gusto niya. 3 weeks palang kami nung bigla siyang naging ganun. Tapos monthsary namin iniwan niya lang ako basta basta. Nagagawa niya nga ako hindi kausapin ng 4 na araw eh. Tapos makikita ko na halos hindi niya na mabitawan yung cellphone niya.
Mika: Hindi 24 hours busy ang tao.
Ara: Ha?
Mika: Kung gusto may paraan.
Ara: Haay, naguguluhan na ako Ye.
Mika: sa tricherie occupé sur vous
Ara: Ano nanaman yan?
Mika: Wala.
Ara: Ang sakit Ye.
Bigla naman niyang inilagay ang kamay niya sa pisngi ko at pinunasan niya ang pisngi ko.
Umiiyak na pala ako.
Hindi ko man lang namalayan.
Ara: Nakakahiya. Hehe, ngayon lang ako nagmahal Ye, hindi pa nga kami nagtatagal eh ganito na agad.
Mika: Halika nga dito.
Lumapit naman ako....
Niyakap niya ako.
At dahil dun lalo akong napaiyak.
Mika: Shh.. Nandito lang ako, makikinig sayo.
Ara: Salamat Ye.
Mika: Tara.
Ara: Saan?
Hinatak niya nalang ako at dinala sa 7'11? Bakit dito? Kumuha siya ng ice cream at nagbayad.
Mika:Kain ka.
Ara: Salamat Ye. Nakakatuwa, lagi kang anjan para sakin.
Mika: Just like the old times.
Ara: Ha? Ano yun?
Mika: Cotton buds.
Ara: Bully.
Nang maubos na ang ice cream ay hinatid niya na ako sa dorm.
Magkaklase pala dapat kami ni Thomas kaso aalis siya haaay.
Kaya ko pa nga ba?